Katarungang pangklima, panawagan ng PMPI sa COP30 summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,613 total views

Nanawagan ang Philippine Misereor Partnership, Inc. (PMPI) sa mga delegado ng 30th United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) o Conference of Parties (COP30 Summit) sa Belem, Brazil, agad na kumilos para sa tunay na katarungang pangklima, lalo na sa harap ng matitinding pinsala mula sa sunod-sunod na sakuna sa Pilipinas.

Ayon sa grupo, hindi “galit ng kalikasan” ang nagpapahirap sa mga Pilipino, kundi ang patuloy na kapabayaan at maling pamamahala.

“Instead of systematically advancing adaptation and resilience, some of our adaptation measures, such as flood-control infrastructure, have increasingly become a loot bag for our political leaders and their dynastic families,” pahayag ng PMPI.

Iginiit ng PMPI na dapat grant-based at madaling ma-access ang Loss and Damage Fund, at hindi dapat ipasa sa mga mahihirap at mahihinang bansa tulad ng Pilipinas, ang gastos ng krisis sa klima.

Mariin ding kinondena ng grupo ang mga pekeng solusyon tulad ng carbon markets at geoengineering, na ginagamit lamang para makaiwas sa pananagutan ang malalaking polluter.

Tinuligsa rin ng PMPI ang malakas na impluwensiya ng malalaking kumpanya sa mga usaping pangklima at ang paggamit ng “greenwashing” upang pagandahin ang anyo ng mapaminsalang proyekto.

Para sa PMPI, ang tunay na solusyon ay nakabatay sa pangangalaga ng kalikasan, karapatan ng mga pamayanan, at paggalang sa mga katutubo.

Hinikayat din ng grupo ang mabilis na paghinto ng fossil fuel expansion, large-scale mining, at labis na pagkuha ng likas-yaman, habang isinusulong ang mga tunay na makakalikasang solusyon na nakatuon sa kalikasan at tao.

“COP30 must deliver more than words. It must deliver justice. PMPI joins Mother Nature, frontline communities, civil society, and global movements in demanding a World Order that ensures a climate future built on accountability, equity, and the protection of our common home,” saad ng PMPI.

Kaugnay nito, una nang nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, sa COP30 Summit para sa ecological conversion at pagtalikod sa mga maling solusyon na nagpapahintulot sa mayayamang bansa at korporasyon na ipagpatuloy ang negosyo habang ang mga mahihirap bansa ang higit na apektado ng pinsala.

Isasagawa ang COP30 Summit mula November 10 hanggang 21, 2025, at ito rin ang unang pagbabalik ng global climate summit sa Brazil, na unang naging host ng 1992 Rio Earth Summit kung saan pinagtibay ang UNFCCC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 162,843 total views

 162,843 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 193,066 total views

 193,066 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 219,712 total views

 219,712 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 314,685 total views

 314,685 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 325,150 total views

 325,150 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top