Paghahanda sa Nazareno 2026, isinapubliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,439 total views

Isinapubliko ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno ang mga pangunahing gawain at paghahanda para sa Nazareno 2026 na gaganapin sa Enero.

Ayon kay Fr. Ramon Jade Licuanan, rektor at parish priest ng Quiapo Church, layunin ng pagdiriwang na hindi lamang paghandaan ang tradisyon kundi higit na palalimin ang ugnayan ng mga deboto kay Jesus.

Binigyang-diin ng Pari na mahalagang maunawaan ng mga deboto ang tunay na diwa ng debosyon upang maging mas makabuluhan ang kanilang pakikilahok.

Sinabi ni Fr. Licuanan na napapanahon ang mensahe ng kapistahan lalo na sa gitna ng lumalalang isyu ng korapsyon na nagdudulot ng pagkakahati-hati sa bansa.

“Maganda ang ating pananampalataya, pero nananatiling problema ang pagkakahiwalay nito sa buhay at pagkakakilanlan nating Pilipino. Ang tunay na mabuting Kristiyano-Katoliko ay siyang mabuting Pilipino,” pahayag ni Fr. Licuanan sa Radyo Veritas.

Hinimok din niya ang mga deboto na isama sa kanilang panalangin ang pagkakaisa ng bansa at ang pagsulong ng mas mapayapa at maunlad na pamayanan. Paalala ng pari na ang bawat mananampalataya ay bahagi ng sambayanang may tungkuling mahalin at paglingkuran ang bayan.

“God called not just one disciple, but twelve, symbolizing that we are called as part of a community. Hindi sapat na personal lang ang pananampalataya. Ang pananampalataya natin ay laging pang-komunidad,” dagdag pa ni Fr. Licuanan.

Kaugnay ng temang “Dapat Siyang Tumaas, at Ako Nama’y Bumaba” mula sa Ebanghelyo ni San Juan 3:30, iginiit ni Fr. Licuanan na si Jesus ang tunay na sentro ng pagdiriwang at hindi ang pisikal na imahe.

“Lahat ng gulo at nasasaktan sa Nazareno ay dahil nakatutok tayo sa rebulto, hindi sa Panginoong Jesus na ipinapakita nito,” aniya.

Samantala, sa press conference ng Quiapo Church, binigyang-diin naman ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, hermano mayor ng Nazareno 2026, ang kahalagahan ng koordinasyon ng simbahan at lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.

“Kami po, ang inyong pamahalaang lungsod, kung ano ang aming maitutulong sa maliit naming kaparaanan bilang lokal na pamahalaan ay siya ulit naming ibibigay sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Nazareno 2026,” ayon sa alkalde.

Inanunsyo rin niya na mahigpit na ipagbabawal ang anumang uri ng pagtitinda sa paligid ng Quiapo Church mula Enero 7 hanggang 9 upang bigyang-daan ang Traslacion at ang inaasahang pagdagsa ng milyong deboto.

Ayon naman kay Nazareno 2026 technical advisor Alex Irasga, may pagbabago rin sa andas ng Jesus Nazareno, kabilang ang paglalagay ng manibela na tulad ng sa sasakyan at mga gulong ng forklift upang mas maging maayos ang daloy ng prusisyon.

Tinalakay rin sa pulong ang ruta ng Traslacion mula Quirino Grandstand pabalik ng basilica; ang mga gawain mula Disyembre 31 para sa unang araw ng misa nobenaryo; ang pagbisita ng pilgrim image sa mga komunidad ng Quiapo; pagbabasbas ng mga replika at istandarte; tradisyonal na pagpahid ng panyo; at mga paalala para sa wastong pakikibahagi ng mga deboto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 30,309 total views

 30,309 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 54,625 total views

 54,625 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 90,415 total views

 90,415 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 131,680 total views

 131,680 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 182,955 total views

 182,955 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top