Mamamayan, hinikayat ng CBCP na pangalagaan ang kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 731 total reads

Muling hinihikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat mananampalataya na magkaisa hinggil sa wastong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan sa kabila ng mga nararanasang krisis sa kapaligiran.

Sa liham pastoral ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, muli nitong binibigyang-pansin ang unti-unting pagkasira ng mundo dulot ng kapabayaan ng mga tao na naging sanhi rin ng pag-iral ng iba’t ibang krisis tulad ng COVID-19 pandemic.

“We commit to ‘integrate the care of creation as our common home in our teaching and practice of Christian discipleship’ through concrete ecological actions in caring for our Common Home,” pahayag ni Bishop David.

Binigyang-diin sa pastoral letter ang tatlong adbokasiya at pagkilos ng Simbahan hinggil sa pangangalaga sa kalikasan:

Una ay ang “Ecological Conversion through Stewardship of our Resources” na lalong pinagtibay ng panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ensiklikal na Laudato Si.

Layunin nitong tugunan ang hinaing ng daigdig at pag-aralan ang ekolohikal na ekonomiya upang mabawasan ang lumalalang polusyon sa kapaligiran, decarbonization sa sektor ng enerhiya at ekonomiya, at ang pamumuhunan para sa malinis na renewable energy na mapapakinabangan ng lahat.

Pangalawa naman ay ang “Laudato Si’ Formation and the National Laudato Si’ Program” na nilalayong paigtingin ang Ecological Education, Ecological Spirituality, at Community Resilience and Empowerment.

Higit din itong makakatulong para sa Basic Ecclesial Communities (BEC) upang isabuhay ang mga turo na nakasaad sa Laudato Si’.

Habang ang pangatlo ay ang “Advancement of the Rights of Nature and the Defense of Life” na layunin namang tugunan ang hinaing ng mga mahihirap, at pagtataguyod sa sustainable lifestyle.

Pinagtitibay din dito ang pagpapanibago at pagsuporta sa Rights of Nature campaign na kinikilala ang lahat ng nabubuhay sa daigdig ay mayroong pantay na karapatang mabuhay at yumabong.

Panawagan naman ng CBCP sa bawat isa na ipagpatuloy ang pagiging mabuting Kristiyano na nakahandang kumilos upang muling makabangon sa iba’t ibang pagsubok at krisis sa kapaligiran.

“Let us take to heart our Christian duty of uniting in prayer and decisive action for a just and green recovery from the climate crisis amid the planetary emergency we are in today due to COVID-19,” ayon sa liham pastoral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 7,546 total reads

 7,546 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 38,819 total reads

 38,819 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 118,397 total reads

 118,397 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 212,623 total reads

 212,623 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 272,874 total reads

 272,874 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,357 total reads

 71,357 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top