Mamamayan, inaanyayahan ng ACN na makibahagi sa “Easter recollection concert”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total reads

Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need Philippines ang bawat mananampalataya na makibahagi sa Easter Recollection Concert bilang patuloy na paggunita sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Ayon kay ACN Philippines National Director Jonathan Luciano tampok sa nakatakdang ACN prayer concert ang mga never before released music at composition ng National Artist na si Mr. Ryan Cayabyab, Philippine Madrigal Singers at ni Ms. Jaime Rivera.

Tampok rin sa nasabing konsyerto ang mga pagninilay ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na siyang Pangulo ng ACN Philippines kaugnay kay San Jose na malaki at mahalaga ang papel na ginampanan para sa pagsasakatuparan ng pangakong kaligtasan ng Panginoon sa sangkatauhan.

“The ACN prayer concert is our Easter recollection for all. It is a collaboration between Abp Soc Villegas and Prof. Ryan Cayabyab. Abp Soc will reflect on the joys of St. Joseph and Mr. C will play reflection music after each talk. We also invited the Philippine Madrigal singers to perform as well as Ms. Jamie Rivera.” Ang bahagi ng pahayag ni ACN Philippines National Director Jonathan Luciano sa panayam sa Radio Veritas.



Ipinaliwanag ni Luciano magsisilbi rin itong fundraising concert ng Aid to the Church in Need Philippines kung saan ilalaan ang malilikom na pondo para sa mga Kristiyanong dumaranas ng pag-uusig at mga naghihirap na Simbahan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Umaasa naman si Luciano na ganap na nakapaghatid ang Pasko ng Muling pagkabuhay ni Hesus ng bagong sigla sa bawat isa upang higit na magkaroon ng pagnanais na magkaisa bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng ebanghelisasyon lalo na sa mga lugar na minorya lamang ang mga Kristiyano.

“This is a fundraising concert to help persecuted Christians around the world. We would like to invite everyone to watch the concert and help us in extending support to our suffering brethren. May the joy that Easter brings inspire us to continue being in solidarity with the suffering Church.” Dagdag pa ni Luciano.

Nakatakda ang nasabing ACN prayer concert na may titulong “Jesus, Joseph, Joy: A Prayer Concert with Father Soc and Prof. Ryan Cayabyab” sa ika-10 ng Abril araw ng Sabado, ganap na alas-otso ng gabi.

Maaari namang makibahagi sa nasabing konsyerto sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook page ng ACN – Aid to the Church in Need.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 90,429 total reads

 90,429 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,711 total reads

 167,711 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 201,159 total reads

 201,159 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,458 total reads

 236,458 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,461 total reads

 459,461 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top