Mamamayan, inaanyayahang panoorin ang docu-series na LENTE

SHARE THE TRUTH

 380 total views

Inaanyayahan ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) ang bawat mamamayan na tunghayan ang Documentary Series na “Lente”.

Ayon sa Project Lead ng Lente na si Paulo Ferrer, tampok nito ang anim na serye ng dokumentaryong tumatalakay sa ibat-ibang suliranin at usaping panglipunan sa Arkidiyosesis ng Lipa na maaaring mapanood sa official Facebook page ng LASAC.

“Target po ng ating proyekto na maipakita ang panlipunang realidad na nararanasan dito sa Archdiocese of Lipa,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Ferrer sa Radio Veritas.

Layunin din ng serye na mahimok ang mga mamamayan sa lalawigan ng Batangas na mamulat at makiisa sa mga inisyatibo ng Simbahan sa kanilang pagtugon sa ibat-ibang usaping panlipunan.

Ito ay ang mga paksa ng Disaster Response, Food Security, Scholarship Programs, Volunteer Programs, Resource Mobilization at Social Enterprises.

“Kaugnay po nito ay ang mahikayat ang mga Batangueño na maging kalahok, sa kung ano mang paraan na kaya nila, sa ginagawang pagtugon ng simbahan sa mga panlipunang isyung mga ito,” ayon kay Ferrer.

Pagbabahagi pa ni Ferrer, ang Documentary Series din ang paraan ng Arkidiyosesis upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng lipunan.

Layunin din ng proyekto na mabigyang-daan ang pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng bawat mamamayan sa bansa na nahaharap sa maraming social issues.

“Ito po ang tugon ng lokal na simbahan ng Lipa. Umaasa kami na kung matutugunan ang mga isyung ito, maka-capacitate natin ang ating mga kababayan at maiaangat natin ang kalidad ng kanilang pamumuhay. Kahit paunti-unti, basta tuloy-tuloy ay mababawasan ang insidente ng mga panlipunang realidad na ito,” ayon pa kay Ferrer.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 34,367 total views

 34,367 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 76,581 total views

 76,581 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 92,132 total views

 92,132 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 105,271 total views

 105,271 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 119,683 total views

 119,683 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top