Mamamayan, pinapaiwas sa paputok ng Ecowaste coalition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,571 total views

Muling binalaan ng EcoWaste Coalition ang publiko laban sa tradisyonal na pagpapaputok para sa pagsalubong sa bagong taon.

Ayon ay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, makabubuting salubungin ng bawat pamilya at pamayanan ang bagong taon nang malusog at ligtas sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga paputok na lumilikha ng labis na ingay, usok, basura, at panganib sa kalusugan at kalikasan.

Ginawa ni Lucero ang pahayag sa ginanap na “Iwas Paputoxic Community Program and Parade” katuwang ang Barangay Central, Quezon City upang higit na maisulong ang mapayapa at ligtas na pagtatapos ng taong 2023 at pagsalubong naman sa 2024.

“We urge our families and communities to herald the New Year in a manner that will not further degrade the air quality with added chemical pollutants, cause senseless loss of body parts and even lives, destroy homes, and torture cats and dogs with ear-splitting sounds from the bursting of firecrackers and fireworks,” pahayag ni Lucero.

Alinsunod sa Executive Order No. 54 series of 2022, ipinagbabawal sa mga pribadong tahanan sa Quezon City na gumamit ng paputok at magsagawa ng sariling fireworks display.

Iginiit naman ng EcoWaste na ang hindi paggamit ng mga paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon ay magandang hakbang bilang mamamayan upang tumalima sa mga batas na nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean Air Act, Ecological Solid Waste Management Act, Clean Water Act, Climate Change Act, at ang Animal Welfare Act.

Ang kampanyang Iwas Paputoxic ay nagsimula noong Disyembre 2006, na naaakma rin sa Iwas Paputok campaign ng Department of Health.

Sa huling ulat naman ng DOH, umabot na sa halos 75 ang kaso ng firecracker-related injuries kung saan anim sa sampung kaso ay nagmumula sa National Capital Region, Central Luzon, at Ilocos Region.

Patuloy namang hinihimok ng simbahan ang bawat isa na baguhin ang mga nakasanayang nakakapinsala sa kalikasan upang maisulong ang payak na pamumuhay na nagpapakita ng pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BREAKDOWN OF MORALITY

 5,855 total views

 5,855 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 35,997 total views

 35,997 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 56,977 total views

 56,977 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 79,163 total views

 79,163 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 251,676 total views

 251,676 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top