Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 97,708 total views

Mga Kapanalig, matutunghayan natin sa Ebanghelyo ni San Mateo 9:9-13 ang pagtawag ni Hesus sa kanya, isang kolektor ng buwis, upang sumunod sa ating Panginoon. Nang makita ng mga Pariseo ang pakikisalamuha ni Hesus sa mga maniningil ng buwis at iba pang itinuturing na makasalanan noong panahong iyon, tinanong nila ang Kanyang mga alagad, “Bakit nakikisalo ang inyong guro sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?” Mismong si Hesus ang sumagot sa kanila, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. Humayo kayo at unawain ang kahulugan nito: ‘Habag ang nais ko at hindi handog.’”

Maalala sana natin ang mga salitang ito sa tuwing makakikita tayo sa ating komunidad at lalo na sa simbahan ng mga taong sa ating pananaw ay may malaking pagkakasala sa Diyos o para sa atin ay may kuwestiyonableng moralidad. Marahil, kasama tayo sa mga tumataas ang kilay o nagtitimpi ng ating pagkasuklam kapag nakakasalubong natin sa simbahan—o kahit saang lugar—ang mga kakilala nating babaeng nagkaanak nang hindi kasal o mga nakikipagrelasyon sa kanilang kapwa lalaki o kapwa babae. Maaaring sumasagi sa ating isip: “Hindi sila dapat tumatanggap ng sakramento ng komunyon.” O kaya naman, “Hindi sila dapat kinakausap ng mga pari o ng sinuman sa simbahan.”

Kamakailan, sinabi ng pinuno ng Dicastery for the Doctrine of the Faith na si Cardinal Víctor Manuel Fernández na ang mga babaeng nagkaroon ng anak kahit hindi kasal ay dapat pa ngang hikayating tanggapin ang mapagpagaling na kapangyarihan ng mga sakramento. Sa ibang lugar kasi, naiiláng ang mga single mother na tumanggap ng komunyon, halimbawa, o magsimba man lang dahil sa takot na husgahan sila. May mga pagkakataon pa ngang hindi na lang nila pinabibinyagan ang kanilang mga anak dahil nabuo ang kanilang sanggol sa labas ng kasagraduhan ng sakramento ng kasal. 

Ngayong buwan din, pormal nang pinahihintulutan ng Vatican ang mga pari na magbigay ng “blessing” o pagbabasbas sa mga same sex couples. Hindi man ito katumbas ng pagkilala sa kanilang pagsasama na para bang mga indibidwal na tumanggap ng sakramento ng kasal, inaalis naman nito ang anumang balakid sa Simbahan na abutin ang mga kapatid nating nasa kalagayang iba sa itinuturing nating “regulár”. Walang binabago sa katuruan ng ating Simbahan ukol sa kasal sa pagitan ng isang babae at isang lalaki, ngunit ang pagpapahintulot na ito ay isang hakbang upang maging malapít—imbes na manatiling malupít—sa mga Katolikong LGBT.

Kontrobersyal para sa mga Katolikong mahigpit sa mga nakaugalian at nakasanayang tradisyon ang mga deklarasyong ito mula sa Vatican. Hindi pa nga siguro handa ang lahat sa Simbahan sa ganitong mga usapin, ngunit patuloy nating hingin ang gabay ng Espiritu Santo na siyang nangunguna sa Simbahan, ayon nga kay Pope Francis. Maaari nating tingnan ang mga deklarasyong ito bilang imbitasyon para sa mga inang hindi ikinasal sa ama ng kanilang anak o para sa mga may relasyon sa katulad nila ng kasarian na buksan ang kanilang buhay sa Panginoon. Paanyaya ito sa kanilang hingin lagi ang tulong ng Diyos upang maging mabuting magulang o mabuting karelasyon. Hindi ba’t ang pagiging mabuti ay hindi lamang para sa mga magulang na patuloy na nagsasama o para sa mga magkarelasyong babae at lalaki?

Mga Kapanalig, malalim na bahagi ng ating pananampalatayang Katoliko ang tinatawag nating synodality. Tumutukoy ito sa ating sama-samang paglalakbay sa buhay bilang bayan ng Diyos. Kaakibat nito ang pakikinig sa isa’t isa upang maunawaan kung paano tayo kinakausap ng Panginoon sa pagtatatag ng Kanyang kaharian dito sa lupa. Sa misyong ito, wala sana tayong pinagkakaitan ng habag na siyang nais ni Hesus.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 4,263 total views

 4,263 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 11,744 total views

 11,744 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 24,884 total views

 24,884 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 30,857 total views

 30,857 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 36,612 total views

 36,612 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 4,264 total views

 4,264 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 11,745 total views

 11,745 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 24,885 total views

 24,885 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 30,858 total views

 30,858 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 36,613 total views

 36,613 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,369 total views

 40,369 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,453 total views

 41,453 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,834 total views

 36,834 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,838 total views

 48,838 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,880 total views

 56,880 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,437 total views

 48,437 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,862 total views

 46,862 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,648 total views

 48,648 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,573 total views

 45,573 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,887 total views

 59,887 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top