Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayang Pilipino, pinasasalamatan ng pangulo ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 1,608 total views

Nagpasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa panalangin ng mamamayan para sa matagumpay na 126th plenary assembly.

Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David makabuluhan ang ginanap na pagtitipon na sinimulan sa Spiritual Retreat ng mga obispo kasama si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown gayundin ang pagsang-ayon sa mahahalagang usaping tinalakay ng kalipunan.

“We consciously arrived at decisions and resolutions that are reflective of the CBCP’s steadfast aspiration for a more synodal Church, a Church that fosters a deeper communion with Christ and among our faithful, a Church that promotes greater participation in the life and mission of the Church,” bahagi ng mensahe ni Bishop David sa katatapos na plenary assembly.

Sa pagtitipon ng kalipunan muling naihalal si Bishop David bilang pangulo, Vice President naman si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara habang tagapag-ingat yaman pa rin si Palo Archbishop John Du.

Ibinahagi ni Bishop David na naging mabunga ang pagpupulong ng kalipunan dahil sa mga napagkasunduang mga panukala na buo ang suporta ng mga obispo.

Kabilang sa inaprubahan ng CBCP ang panukalang ‘Sugbuswak’ ng Archdiocese of Cebu sa pamamagitan ni Archbishop Jose Palma na layong magtatag ng dalawa pang diyosesis sa lalawigan upang mapaigting ang pagmimisyon sa kristiyanong pamayanan.

“The archbishop [Archbishop Jose Palma] proposed the creation of the Diocese of Carcar in Southern Cebu, and the Diocese of Danao in Northern Cebu. These new dioceses aim to enhance the pastoral and spiritual care of the faithful residing in the north and south of cebu while keeping the Central Cebu as the seat of the archbishop and head of the Metropolitan Province of Cebu,” ayon sa obispo.

Gayundin ang panukala ni Butuan Bishop Cosme Almedilla na pagtatatag ng bagong diyosesis na mangangalaga sa kawan ng Agusan del Sur kung saan itatanghal na luklukan ang bayan ng Prosperidad.

Binigyang diin ni Bishop David na ang pag-apruba ng CBCP ay isang hakbang ng pag-usad sa proseso ng pagtatatag ng mga bagong diyosesis.

“This strategic move seeks to cultivate the spiritual growth of the faithful and improve administrative efficiency within the respective dioceses, once approved by Rome,” giit ni Bishop David.

Kabilang din sa napagkasunduan ng mga obispo ang pagtanghal sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church bilang National Shrine of the Black Nazarene na isinusulong ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kung saan ito ay tanda ng spiritual significance sa malagong debosyon ng mga Pilipino sa Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Inaprubahan din ng kapulungan ang panukala ni Laoag Bishop Renato Mayugba na buksan ang proseso ng beatification sa 13 taong gulang na si Niña Abad na sa kabila ng murang edad ay nakatuon sa pagpapalawak ng buhay espiritwal lalo na sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos kung saan ito rin ang unang hakbang upang magsagawa ng pag-aaral ang Vatican.

Ilan pa sa tinalakay ng CBCP ang pagpili ng mga katekista na maging bahagi sa itatatag na ministry of faith formators ng simbahan sa pangangasiwa ng Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education.

Gayundin ang pagbuo ng stewardship program sa national level na mangangasiwa sa pondo para sa pastoral program ng tanggapan at komisyon ng CBCP gayundin ang pagtulong sa mga nahihirapang ecclesiastical jurisdictions.

Pinag-usapan din sa plenary ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa October 30 kung saan hinimok ng mga obispo ang mamamayan na aktibong makilahok sa pagpili ng mga lider ng pamayanan.

“We hope to see the Barangay elections in October as a perfect opportunity for the emergence of a new breed of leaders in our Barangays communities who represent principled politics, who are guided by the social teachings of the Church and are not yet reared in traditional politics of patronage,” ani Bishop David.

Natalakay din ang Expanded Alay Kapwa campain ng social arm ng simbahan na layong makakuha ng isang milyong donors na makapagbibigay ng P500 kada taon para sa mga programang kawanggawa ng simbahan.

Ginanap ang CBCP Plenary sa Marzon Hotel sa Diocese of Kalibo sa Aklan na kasalukuyang pinamumunuan ni Bishop Jose Corazon Tala-oc.

Sa datos ng CBCP 87 ang mga aktibong obispo sa bansa, tatlo ang diocesan administrators habang mahigit sa 40 ang honorary members o mga retiradong obispo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 11,681 total views

 11,681 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 17,654 total views

 17,654 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 23,409 total views

 23,409 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 30,672 total views

 30,672 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 38,656 total views

 38,656 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Norman Dequia

Drones na gagamitin sa search at rescue operations, inilunsad

 4,726 total views

 4,726 total views Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa. Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 4,518 total views

 4,518 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 4,592 total views

 4,592 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 7,668 total views

 7,668 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 7,676 total views

 7,676 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 8,209 total views

 8,209 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 8,224 total views

 8,224 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 9,246 total views

 9,246 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 9,386 total views

 9,386 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 9,393 total views

 9,393 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 9,697 total views

 9,697 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 12,070 total views

 12,070 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 12,586 total views

 12,586 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 13,301 total views

 13,301 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 16,139 total views

 16,139 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top