Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Pabillo, umaapela ng suporta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,268 total views

Umapela ng suporta ang Apostolic Vicariate of Taytay Palawan sa mamamayan para sa pagpapatapos ng St. Joseph Cathedral.

Ayon kay Taytay Bishop Broderick Pabillo 2008 nang simulan ang pagpapagawa sa cathedral ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatapos dahil sa kakulungang pinansyal.

Isa sa mga inisyatibo ng bikaryato ang paglulunsad ng Trip to Palawan for 2 raffle draw upang makalikom ng pondo sa pagpapagawa ng cathedral.

“Nananagan po kami sa Bikaryato ng Taytay Palawan na tulungan nyo po kami sa pag-build ng aming Cathedral; suportahan po ninyo ang aming initiative Trip to Palawan for 2 raffle,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ilulunsad ang programa sa July 15 na magtatagal hanggang December 15, 2023 habang ang mapapanalunan ay maaring gamitin sa pagitan ng January 2024 hanggang December 2024.

Nagkakahalaga ang ticket ng P1, 000 para sa limang kataong papalaring mananalo ng Trip to Palawan for 2.

2002 nang maitatag ang Bikaryato ng Taytay nang hatiin sa dalawa ang Apostolic Vicariate of Palawan; ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa na nangasiwa sa Central at Southern Palawan habang Northern Palawan naman ang sakop ng Apostolic Vicariate of Taytay.

Taong 2009 nang makakuha ng lupa ang bikaryato para pagtayuan ng cathedral sa pangunguna ni Bishop Emeritus Edgardo Juanich subalit dahil sa limitadong resources ng bikaryato hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling under construction ang cathedral.

Naantala ang pagpapagawa nito dahil sa pandemya at pananalasa ng bagyong Odette noong December 2021 sapagkat inunang tugunan ng simbahan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Sa taya ng mga nangasiwang engineers at architects aabot sa 90-milyong piso ang kakailanganing pondo upang matapos ang pagpapagawa ng dambana ng bikaryato.

Sa mga nais maging bahagi ng Trip to Palawan for 2 Raffle Draw makipag-ugnayan sa Chancery office ng bikaryato at sa tanggapan ni Bishop Pabillo sa numerong 0921-754-5457 at 0915-936-9752 para sa karagdagang detalye sa pagbili ng ticket.

Maari ring makipag-ugnayan sa Radio Veritas sa pamamagitan ni Norman Dequia sa 8925 – 7931 o sa 0918 463 3458.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 41,531 total views

 41,531 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 109,019 total views

 109,019 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 130,084 total views

 130,084 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 152,070 total views

 152,070 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 186,408 total views

 186,408 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top