Mamamayan, pinagtitipid sa tubig ng ECOWASTE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,235 total reads

Pinaalalahanan ng EcoWaste Coalition ang publiko hinggil sa pagtitipid sa paggamit ng tubig laban sa banta ng El Niño Phenomenon.

Ayon kay EcoWaste National Coordinator Aileen Lucero, sikapin nawa ng bawat isa ang pagdidisiplina sa paggamit ng tubig upang maiwasan ang kakulangan na maaaring humantong sa krisis habang unti-unting nadarama ang epekto ng tagtuyot.

“Habang kami’y nagpapaalala sa tungkulin ng mga otoridad na itaguyod ang karapatan ng mga tao sa tubig, nakikiisa kami sa gobyerno sa paghimok nito sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig sa lahat ng posibleng paraan habang ang buong bansa ay naghahanda sa mga epekto ng El Niño sa suplay ng tubig, agrikultura, ekonomiya at sa buhay ng mga mahihirap,” ayon kay Lucero.

Ibinahagi naman ng grupo ang ilang gabay sa pagtitipid at wastong paggamit ng tubig.

Kabilang rito ang pagsasaayos ng mga tumatagas na tubo, tangke at gripo; at pag-iipon ng tubig-ulan ngunit tiyaking may takip ito upang hindi pamugaran ng lamok.

Gayundin ang paggamit sa mga tubig na pinagpaliguan at pinaglabahan bilang panlinis ng garahe o pandilig sa mga halaman; at huwag hayaang umagos ang tubig tuwing naghuhugas ng mga pinggan, sa halip ay gumamit ng palanggana.

“Kami ay umaapela sa lahat na huwag mag-aksaya ng tubig at proteksyonan ang karapatang pantao sa tubig sa mga buwan ng El Niño at higit pa,” saad ni Lucero.

Pinangangambahan ang pagkaubos ng suplay ng tubig mula sa mga dam sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa mababang bilang ng mga pag-uulan na epekto ng El Niño.

Posibleng higit na maranasan ang epekto ng tagtuyot sa huling bahagi ng taong kasalukuyan hanggang sa kalagitnaan ng taong 2024.

Una nang iminungkahi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na higit na makatutulong ang pagdedeklara ng climate emergency sa bansa upang mapaigting ang kamalayan ng mamamayan hinggil sa mga pagbabagong nangyayari sa kapaligiran.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 38,198 total reads

 38,198 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 143,668 total reads

 143,668 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 229,037 total reads

 229,037 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 275,774 total reads

 275,774 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 323,646 total reads

 323,646 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 420,366 total reads

 420,366 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 173,359 total reads

 173,359 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top