Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mambabatas binatikos ang dating kalihim sa mga iniwang problema sa DepEd

SHARE THE TRUTH

 6,230 total views

Binatikos ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro si Vice President Sara Duterte sa pagtalikod sa mga hindi nareresolbang isyu sa Department of Education, na nag-iwan ng santambak na problema sa kahalili nitong si dating senador at ngayo’y kalihim na si Sonny Angara.

Inihayag ni Castro ang kaniyang pagpuna sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang P793.18-billion budget ng DepEd at attached agencies para sa 2025. Ang Bise Presidente ay nagbitiw bilang kalihim ng DepEd noong July 19.

“In fairness naman kay Secretary Angara, teacher pa lang ako talagang malalim na ang pinagsamahan ng ACT Teachers at ni Secretary Angara. Si Secretary Angara, very accommodating, ang mga bills sa salary ng mga teachers ay talagang sinusuportahan niya. Ngayong Secretary na siya, mukhang mas maganda ito kesa noong nakaraan,” ayon kay Castro.

Mabilis namang inilipat ni Castro ang kaniyang tuon sa mga problemang minana ni Angara mula sa nakalipas na administrasyon.

“Kaya lang, Mr. Chair, nakakalungkot po, medyo iniwanan siya ng maraming problema ni Vice President Sara Duterte, lalong-lalo na po itong MATATAG curriculum,” pahayag pa ni Castro.

Ipinunto niya na ang kurikulum ay nagdulot ng malaking pahirap sa mga guro sa high school, na ngayon ay may 7-8 oras ng pagtuturo kada araw, na ang bawat klase ay tumatagal ng 45 minuto.”

“Talagang minaximize ang 6 hours,” ayon pa kay Castro, na binigyang diin ang labis na oras na pagtuturo ng mga guro.

Mungkahi ni Castro ang agarang pagrepaso ng MATATAG curriculum, na aniya’y minadaling ipinatupad na dahilan ng maraming problema.

“Iniwanan kayo ng nakaraang administration ng ganitong problema, ngayon ‘yung mga teachers talaga natin problematic dito, sobrang pahirap itong MATATAG curriculum,” saad pa nito.

Bukod dito, binigyan diin din ng mambabatas ang mga seryosong problema na tinukoy sa ulat ng Commission on Audit (COA) tungkol sa Computerization Program (DCP) ng DepEd.

“Medyo mahalaga sa akin ito, Madam Chair and Mr. Secretary, dahil gusto natin mabigyan ng laptop, mga computer ang ating mga teachers,” saad pa ni Castro, kaugnay na rin sa natuklasan ng COA tungkol sa mga pagkaantala, hindi pagkaka-deliver, at mga kakulangan sa loob ng programa, lalo na ang maling pamamahala ng mga package ng DCP.

Ikinabahala rin ni Castr ang tungkol sa mga hindi nabayarang remittance na umaabot ng higit sa P5 bilyon sa iba’t ibang ahensya, kabilang ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), at Pag-IBIG Fund.

Ayon sa ulat ng COA para sa 2023, ang mga hindi naibabayad na buwis ay umabot sa P1.3 bilyon na utang sa BIR, P3.1 bilyon sa GSIS, P503 milyon sa PhilHealth, at P182 milyon sa Pag-IBIG.”

Iginiit ni Castro na ito ay malaking epekto sa mga teacher at non-teaching personnel, lalo na ang pagkakaantala ng remittances sa GSIS, na maaaring magdulot ng interes at surcharges sa kanilang mga account.

“Mahalaga po itong GSIS dahil pag na-late ang remittance ng premium loan sa GSIS, ang tatamaan ng mga interests ay ang mga teachers o ang mga non-teaching personnel,” babala pa ni Castro, na karagdagang pasanin sa mga kawani ng DepEd.

“Kung hindi nababayaran sa tamang oras, meron nang interest and surcharge against the account of the teachers or the non-teaching personnel,” dagdag pa niya, kasabay ang panawagan para sa agarang aksyon upang matugunan ang mga pinansyal na obligasyong ito.

Tiniyak naman ni Angara at iba pang mga opisyal ng DepED, na ang mga binanggit ng COA, lalo na ang mga hindi nabayarang buwis ay tinutugunan na ng kagawaran, sa pamamagitan ng isinasagawang reconciliation process.

Patungkol naman sa MATATAG curriculum, sinabi ni Angara, na kasalukuyan ng binabalangkas ang Department Oder kaugnay na rin sa hinaing ng mga guro.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 28,012 total views

 28,012 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 78,575 total views

 78,575 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 25,871 total views

 25,871 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 83,755 total views

 83,755 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 63,950 total views

 63,950 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Opisyal ng pamahalaan na nakipagsabwatan sa POGOs, papanagutin

 54 total views

 54 total views Tiniyak ng pinuno ng House Quad Committee ang paglalantad at pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan na nagtaksil sa bansa sa pakikipagsabwatan sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na sangkot sa kalakalan ng droga, human trafficking, at money laundering. Ito ang inihayag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers

Read More »
Economics
Marian Pulgo

Budget cut, inalmahan ng 39-SUCs

 729 total views

 729 total views Nagkaisa ang 39 na State Universities and Colleges (SUCs) sa panawagan sa pagpapanumbalik ng mga bawas sa budget ng SUCs at pagdaragdag ng pondo para sa higher education para sa susunod na taon. Ang nilagdaang ‘unity statement’ ay isinulat ng Kabataan Partylist Partylist, na nilagdaan naman ng mga tagapamahala ng mga kolehiyo at

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pamahalaan, pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng mga biktima ng EJK

 2,371 total views

 2,371 total views Nanawagan sa pamahalaan ang mga kaanak ng biktima ng extrajudicial killings sa kampanya kontra illegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbayad ng danyos. Ito ang inihayag ni Fr. Manuel Gatchalian SVD, Special adviser of relatives of victims sa pagharap sa Quad Committee ng Mababang Kapulungan na pinamumunuan ni Surigao del Norte

Read More »
Economics
Marian Pulgo

House panel, binawasan ng P1.3 B ang pondo ng OVP

 2,432 total views

 2,432 total views Nagkaisa ang committee on appropriations ng Kamara na bawasan ang higit sa kalahati ng panukalang pondo ng Office of the Vice President Sara Duterte para sa susunod na taon. Ang pangunahing dahilan ayon sa komite ay dahil sa ang mga programa ng tanggapan na kaparehas ng iba pang mga ahensya ng gobyerno, gayundin

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Papal award’ igagawad kay Ret. CJ Panganiban

 2,973 total views

 2,973 total views Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban. Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Hindi pagdalo ni VP Duterte sa OVP budget briefing, pang-iinsulto sa Kamara

 4,452 total views

 4,452 total views Kawalang paggalang sa institusyong sumusuri sa paggasta ng pondo ng ahensya ang ginawang hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) sa Mababang Kapulungan. Ito ang inihayag ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa pagdinig ng budget ng OVP, kung saan binigyan diin

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 3,739 total views

 3,739 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Rep. Barbers kina Quiboloy at Guo: “You can run, but you cannot hide”

 4,760 total views

 4,760 total views Ito ang binigyan diin ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kina dating Bamban Mayor Alice Guo at puganteng si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, na hindi matatakasan ang batas. “It only proved that you can run but you cannot hide, ayon nga sa kasabihan. But eventually, the long

Read More »
Economics
Marian Pulgo

P1.2 bilyon halaga ng tulong, dala ng serbisyo caravan sa Davao city

 5,274 total views

 5,274 total views Nagtungo ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Davao City, dala ang P1.2 bilyong halaga ng tulong at serbisyo ng gobyerno para sa 250,000 benepisyaryo sa 2-day event noong Huwebes hanggang Biyernes. Ayon kay Speaker Martin Romualdez, pangunahing tagapagsulong ng BPSF, ang serbisyo caravan sa Davao ay sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Archdiocese ng Davao, nanawagan para sa Kapayapaan, Pagpapakumbaba, at Pagtutulungan

 8,414 total views

 8,414 total views Nagsalita na rin ang Arkidiyosesis ng Davao kaugnay sa nagaganap na kaguluhan sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Davao City, sa pagitan ng pulisya at mga tagasuporta ng tele-evangelist na si Pastor Apollo Quiboloy. Nag-ugat ang kaguluhan sa pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Quiboloy at ilang pang mga akusado sa kasong

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

‘Rule of law must prevail,’- Archbishop Jumoad

 8,385 total views

 8,385 total views Hinimok ng Obispo mula sa Mindanao ang tele-evangelist na si Pastor Apollo Quiboloy-pinuno ng Kingdom of Jesus Christ na sumuko at harapin ang kasong isinampa laban sa kaniya. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, ito ay para sa kapakanan ng kanyang mga tagasunod at upang matigil na ang karahasan. Sinabi ng Obispo na

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

P563 M halaga ng tulong at serbisyo, ipinamahagi ng BPSF sa 60,000 benepisyaryo sa Batangas

 9,622 total views

 9,622 total views Kasunod ng matagumpay na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit, inilunsad nitong Sabado ang pinakamalaking serbisyo at convergence caravan, kung saan namahagi ng kabuuang P563 milyon halaga ng mga serbisyo ng gobyerno at tulong pinansyal sa mahigit 60,000 mamamayan ng lalawigan ng Batangas. Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang pangunahing tagapagtaguyod ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte, inimbitahan ng House Quad-committee

 10,243 total views

 10,243 total views Inaanyayahan ng House quad-committee si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na humarap sa komite upang bigyang linaw ang mga paratang ukol sa kanyang pagkakasangkot sa extrajudicial killings (EJKs) sa panahon ng anti-illegal drug campaign ng kanyang administrasyon. Ang imbitasyon ay kasunod na rin ng testimonya ni Leopoldo “Tata” Tan Jr., isa sa dalawang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, Senator Dela Rosa, dapat maiharap sa Quadcom probe

 11,511 total views

 11,511 total views Hindi maisasakatuparan ang tunay na layunin ng imbestigasyon ng joint panel ng Mababang Kapulungan na tumatalakay sa ilegal drugs at extra judicial killings hanggat hindi maihaharap ang mga pangunahing may kinalaman sa war on drugs na naganap sa nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Fr. Flavie Villanueva, SVD -ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Kongreso, hinamon ng opisyal ng CBCP na papanagutin ang nasa likod ng POGO

 11,461 total views

 11,461 total views Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mabuting intensyon sa isinisagawang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan upang alamin ang katotohanan at kaugnayan ng ilegal na Philippine Offshore Gaming (POGO), paglabag sa karapatang pantao, Extra Judicial Killings, at illegal drugs na nagsimula sa nakalipas na administrasyong Duterte. Ayon kay Fr.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top