Mananampalataya, binalaan ng Dioscese of Legazpi sa Missionary of Sts. Peter and Paul

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,031 total views

Nagbabala ang Diocese of Legazpi laban sa grupong Missionary Society of Saints Peter and Paul na planong magsagawa ng acceptance rite sa mga nagnanais mapabilang sa kanilang grupo.

Sa sirkular na inilabas ni Bishop Joel Baylon binigyang diin nito na walang kaugnayan sa simbahang katolika ang nasabing grupo kung saan kabilang sa tatanggapin ang mga paring may asawa.

“The Catholic Church does not recognize this group as a legitimate body, as its members are no longer in the active ministry within the Church, and has no permission from legitimate authority to act in the name and on behalf of the Catholic Church,” pahayag ni Bishop Baylon.

Iginiit ni Bishop Baylon na anumang gawaing pansimbahan na pamumunuan ng mga paring mula sa nasabing grupo ay walang bisa at hindi kinikilala ng Roman Catholic Church.

Babala ng obispo sa mga paring aanib sa grupo ay papatawan ng karampatang parusa alinsunod sa isinasaad ng canon law.

“Any priest who joins this group automatically incurs suspension from his duties as a priest, and is therefore prohibited from performing any religious act relative to his priestly duties, such as celebrating Mass and administering the Sacraments,” ani Bishop Baylon.

Batay sa pagsaliksik ang Missionary Society of Saints Peter and Paul ay kasapi ng Holy Catholic Church International na isang ecumenical organization ng catholic churches sa buong mundo.

Apela ni Bishop Baylon sa mananampalataya na maging maingat upang makaiwas sa mga nagpapanggap na pari ng simbahang katolika.

“This Diocesan Circular is issued in order to avoid any confusion that may be encountered by people who will be approached by this renegade group of priests,” giit ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,217 total views

 14,217 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,231 total views

 64,231 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,100 total views

 60,100 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,267 total views

 96,267 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,344 total views

 104,344 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top