Mananampalataya hinimok na makiisa sa “day of prayer and fasting for peace”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,432 total reads

Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na makiisa sa panawagang Day of Prayer and Fasting for Peace ng Papa Francisco sa October 7.

Sinabi ng arsobispo na malaki ang maitutulong ng mga panalangin, pag-aayuno at pagsasakripisyo para sa matamo ng mundo ang kapayapaang hatid ni Hesus lalo na sa mga bansang patuloy umiiral ang mga karahasan.

“We look forward to the invitation of the Pope for the Day of Prayer and Fasting for Peace. We all know the strength of the power of prayer, but more so when sacrifices, fasting, and almsgiving accompany it. So, to all of you, let us continue to believe that despite many concerns, God is with us, and with God’s blessing, we can be truly Christians who journey believing in a tomorrow sustained by God’s love,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Gayundin ang mga panalangin para sa ikatatagumpay ng huling bahagi ng Synod of Bishops sa Vatican na pinangunahan ni Pope Francis kung saan kabilang sa mga dumalo sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara kasama si Fr. Rico Ayo.

Binigyang diin ni Archbishop Palma ang pananalangin ng santo rosaryo lalo’t sa October 7 ipagdiriwang ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo upang hilingin ang pamamatnubay ng Mahal na Ina.

Partikular na paglaanan ng panalangin sa Day of Prayer and Fasting for Peace ang kaguluhan sa Middle East lalo’t ito rin ang unang anibersaryo ng Israel-Hamas war sa Holy Land.

Bukod pa rito ang tumitinding tensyon sa Lebanon, Yemen, Myanmar, Iran at iba pang mga bansa sa Middle East gayundin sa Ukraine at Russia.

Hiniling din ni Pope Francis sa mga dumalo sa synod na samahan sa pag-aalay ng panalangin sa Basilica of Saint Mary Major sa harap ng nakadambanang imahe ng Salus Populi Romani.
Matatandaang sa pagsimula ng pamumuno ng Papa Francisco noong 2013 ay naglalaan ito ng araw para sa Day of Fasting and Prayer para sa mga lugar na umiiral ang digmaan at karahasan.

2017 nang humiling ito ng Day of Prayer and Fasting para sa Democratic Republic of the Congo at South Sudan, 2020 nang magkaroon ng malakas na pagsabog sa Beirut Lebanon habang 2021 naman para sa Afghanistan.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 8,556 total reads

 8,556 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 11,010 total reads

 11,010 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 10,684 total reads

 10,684 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 26,587 total reads

 26,587 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 75,181 total reads

 75,181 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 97,271 total reads

 97,271 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 197,092 total reads

 197,092 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 228,944 total reads

 228,944 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top