CHARIS convention, napakahalagang paghahanda sa Jubillee 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,837 total reads

Inihayag ni Cebu Archbishop Jose Palma na magandang pagkakataon ang isinasagawang CHARIS Convention upang manariwa sa damdamin ng tao ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa nagpapatuloy na CHARIS National Convention na binuksan nitong October 4.

Sinabi ni Archbishop Palma na sa pamamagitan ng karisma ng charismatic communities ay muling naisasabuhay ng bawat isa ang pag-ibig ng Panginoon na patuloy ibinabahagi sa mga pamayanan.

“If you think of how privileged we are to be loved by the Lord and to be reminded that through baptism of the Spirit we can recover joy of feeling the love of God and reaching out to others through our various ministries; Napakahalaga nito because we are given the opportunity to discern to reflect and of course to know that we can make a difference for the better in the journey of the world,” pahayag ni Archbishop Palma sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang diin ng punong pastol sa halos limang milyong katoliko sa lalawigan ng Cebu na sa pamamagitan ng Espiritu Santong ipinagkaloob ng Diyos ay pinagtitibay nito ang pagmimisyon ng mananampalataya sa pamamagitan ng pagbubuklod sa paglalakbay bilang simbahang sinodal.

Iginiit ng arsobispo na sa tulong ng charismatic communities ay mas mapaigting ang kapatiran at pagbubuklod ng mamamayan upang makamit ang kapayapaan ng lipunan.

Tinuran din ni Archbishop Palma ang pagkakataong nagkatipon ang mga miyembro ng charismatic communities’ ng Pilipinas at nagpanibago sa binyag ng Espiritu Santo kasabay ng paghahanda ng simbahang katolika sa Taon ng Hubileo sa 2025.

“Napakahalaga nitong ating pagtitipon kasi to me it’s a wonderful preparation specially we look forward to the jubilee year which will be launched on December 24,” ani Archbishop Palma.
Batay sa datos ng Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals na nangasiwa sa CHARIS Convention humigit kumulang 2, 500 delegado ang dumalo sa pagtitipon mula sa iba’t ibang mga diyosesis sa bansa.
Pinangunahan naman ni Archbishop Palma ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa unang araw ng convention kasama si Digos Bishop Guillermo Afable katuwang ang mga paring itinalagang spiritual director ng mga charismatic ng kanilang mga diyosesis.
Magtatagal naman ang First CHARIS Con sa October 6 kung saan tampok sa tatlong araw na pagtitipon ang mga panayam mula sa mga kilalang personalidad at eksperto na kasapi rin ng charismatic communities.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 8,980 total reads

 8,980 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 11,469 total reads

 11,469 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 11,124 total reads

 11,124 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 27,243 total reads

 27,243 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 75,769 total reads

 75,769 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 97,859 total reads

 97,859 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 197,680 total reads

 197,680 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 229,496 total reads

 229,496 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top