Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok ng Obispo na ipamalas ang pag-ibig ng Diyos sa kapwa

SHARE THE TRUTH

 3,257 total views

Hinimok ni Catarman Bishop Nolly Buco ang mga mananampalataya na pag-ibayuhin ang pag-asa at ipamalas ang pag-ibig ng Diyos sa kapwa habang naghahanda ang Simbahan para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.

Aniya, higit na mahalaga ang mensahe ng Adbiyento sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng mundo ngayon.

“In this Advent Season, we are reminded of the hope and joy that come with the anticipation of the Nativity of our Saviour, Jesus Christ. May our hearts be filled with hope and our spirits renewed as we strive to be beacons of light in a world that needs God’s love and tenderness,” ayon kay Bishop Buco.

Ipinaliwanag ng obispo na ang Adbiyento ay paanyaya sa bawat mananampalataya na palalimin ang pagtitiwala sa kaligtasang hatid ni Kristo at patatagin ang pananampalataya.
Ang pagpapadama ng pag-ibig sa kapwa ay isang malinaw na pagpapakita ng pag-asa.

Binigyang diin din ng obispo ang synodality na isinusulong ng Simbahan ay isang sama-samang paglalakbay ng pananampalataya na nakaugat sa pag-ibig at pagkakaisa.

Ang pagpapalakas ng ugnayan at partisipasyon sa pamayanang Kristiyano, aniya, ay nangangailangan ng pagiging bukas sa Espiritu Santo at sa “signs of the times.”

“As we prepare for the celebration of Jesus’ birth, let us reflect on the manger values of love, compassion, and mercy that He embodied… May the celebration of Christmas be a time of grace, peace, and joy for all our families,” dagdag ng obispo.

Hinikayat rin niya ang mananampalataya na hayaang maging daan ang diwa ng Pasko upang mas mapalalim ang malasakit at paglilingkod sa mga nangangailangan, sapagkat dito tunay na nahahayag ang kahulugan ng pagsilang ni Kristo.

“May we emerge from these holy seasons with a deeper commitment to our faith and to serving others,” ani Bishop Buco.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 202,629 total views

 202,629 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 267,759 total views

 267,759 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 228,379 total views

 228,379 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 288,874 total views

 288,874 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 308,826 total views

 308,826 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top