Kauna-unahang ‘diocesan synod’, isasagawa ng Diocese of Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 73,071 total views

Pinasalamatan ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang Panginoon sa patuloy na paggabay sa kanyang misyon bilang pastol ng diyosesis, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang unang anibersaryo bilang obispo.

Inanunsyo ng obispo na magkakaroon ng kauna-unahang diocesan synod ang Diocese of Cubao sa susunod na taon upang sama-samang suriin ang naging paglalakbay ng lokal na simbahan mahigit dalawang dekada matapos itong maitatag.

“We look forward to the convocation of our first diocesan synod next year,” ani Bishop Ayuban, na iginiit ang pangangailangang pag-ibayuhin ang espiritwal na pag-uusap at pagtutuwang sa misyon ng diyosesis.

Kinilala rin ng obispo ang mga pari, relihiyoso at laykong katuwang niya sa paglilingkod, lalo na sa mga gawaing nagtataguyod ng moralidad at espiritwalidad ng pamayanan.

“With God’s grace and with you walking with me, every step of this journey is worth taking. I know that God still has a lot in store for us in the coming year and beyond,” aniya.

Sa misa, pinarangalan niya ang kanyang ina na si Genara Ayuban, na kamakailan lamang ay pumanaw.

Inihayag ng obispo na ang pagmamahal at pag-aaruga ng kaniyang ina ang humubog sa kanyang bokasyon.

“Every vocation, although it originates in the heart of God, passes through the heart of a mother,” dagdag ni Bishop Ayuban.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagsagawa ang diyosesis ng gift giving at pagpapakain sa mahigit 200 street dwellers, katuwang ang pribadong sektor sa pamamagitan ng Urban Poor Ministry.

Hiniling ng obispo ang patuloy na panalangin para sa katatagan at biyayang kailangan upang maipagpatuloy ang paglilingkod at maihatid ang diwa ng habag, pag-ibig, at pag-asa sa nasasakupan ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 1,650 total views

 1,650 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 28,106 total views

 28,106 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 78,790 total views

 78,790 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 84,847 total views

 84,847 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 113,977 total views

 113,977 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top