Pangunguna ng Pilipinas sa ocean pollution,nakakahiyang katotohanan-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 80,424 total reads

Itinuring na nakakahiyang katotohanan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa buong mundo sa pagtatapon ng basura sa karagatan, isang krisis na dapat harapin at ayusin ng bawat mamamayan.

“The Philippines—our beloved archipelago of 7,641 islands—is ranked Number 1 in the world in contributing trash to the ocean. Not number one in reading, science, or mathematics. Not number one in good governance or environmental stewardship. But number one in polluting the very seas that give us life,” pahayag ni Cardinal David.

Ayon kay Cardinal David, higit dalawampung taon nang naipasa ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2003, subalit hindi ito ganap na naisakatuparan dahil sa kakulangan ng disiplina sa paghihiwalay ng basura at maling pamamalakad ng ilang lokal na pamahalaan.

Dagdag ng kardinal, ang mga sanitary landfill ay nagiging puno ng dumi at humahantong sa polusyon ng dagat, pagkalason ng isda, pagkasira ng kabuhayan ng mangingisda, at panganib sa seguridad ng pagkain.

“The sea that once fed our people is now choking with plastic washed down through our canals, creeks, and rivers by torrential rains into the ocean. We did this—to ourselves, to our neighbors, to our children,” giit ni Cardinal David.

Binigyang-diin ni Cardinal David na ang kalagayang ito ay kasalanan laban sa kalikasan, sa mahihirap na unang naaapektuhan at sa susunod na henerasyon.

Hinikayat ng kardinal ang publiko na magsimula sa sariling tahanan sa paghihiwalay ng basura, suportahan ang recycling at composting, at ipanawagan sa lokal na pamahalaan ang mas maayos na pamamahala ng basura.

“Start treating our country as the fragile, beautiful, irreplaceable archipelago that God entrusted to our care,” saad ni Cardinal David.

Batay sa 2023 Plastic Polluters study ng Utility Bidder, ang Pilipinas ang nangunguna sa pagtatapon ng plastic sa dagat, na umaabot sa tinatayang 3.30 kilograms kada tao bawat taon at higit 350,000 tonelada taun-taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 42,745 total reads

 42,745 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 77,420 total reads

 77,420 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 106,283 total reads

 106,283 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 142,765 total reads

 142,765 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 158,366 total reads

 158,366 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 84,803 total reads

 84,803 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top