Epsicopal motto na “synodus”, isasabuhay ng bagong Obispo ng Boac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,432 total views

Humiling ng panalangin si Bishop Edwin Panergo upang matugunan ang hamon ng kanyang bagong misyon bilang pastol ng Diocese of Boac.

Batid ng obispo ang taglay niyang kahinaan, subalit nananalig ito na sasamahan ng Diyos sa pagtupad ng tungkulin.

“Mga kapatid, ipanalangin ninyo ako sapagkat ako ay mahina… I know that I am weak. But I know that God is with me,” mensahe ni Bishop Panergo sa kanyang ordinasyon sa St. Ferdinand Cathedral sa Lucena.

Ipinangako ni Bishop Panergo na isasabuhay ang kanyang episcopal motto na Synodus, at hinikayat ang mananampalataya, lalo na ang mga Marinduqueño, na magbuklod bilang simbahang naglalakbay tungo kay Kristo.

“Sama-sama tayo, ngunit hindi lang barkadahan, kundi patungo kay Kristo,” aniya. “Synodality is not synodality kung yung leader lang ang magsasakripisyo; synodality ay synodality kung tayo ang sama-samang magsasakripisyo.”

Binigyang-diin ni Bishop Panergo na ang pagiging sinodal na simbahan ay hindi lamang tungkulin ng obispo at kaparian, kundi ng buong sambayanan.

“Synodality requires discernment, maka-Diyos, maka-tao, maka-kalikasan, at makasimbahan,” dagdag pa ng obispo.

Sa kanyang homiliya, pinaalalahanan naman ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., dating obispo ng Boac, na ang tunay na lakas ng isang pastol ay nagmumula sa grasya ng Diyos at sa pagiging totoo bilang tao.

“The Church does not need perfect bishops… Our vulnerability is not an obstacle to ministry; it is our best starting point,” ani Bishop Maralit.

Hinikayat din niya si Bishop Panergo na manatiling kasama ng kanyang kawan sa paglalakbay.

“If you remember you are sheep, you will be saved from the temptations of titles and entitlements.”

Pinangunahan ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng CBCP, ang ordinasyon, kasama sina Lucena Bishop Mel Rey Uy at Bishop Emeritus Emilio Marquez.

Dumalo ang mga pari, relihiyoso, at mananampalataya mula sa Lucena, Boac, at iba’t ibang diyosesis.

Pormal na iluluklok si Bishop Panergo bilang ikalimang obispo ng Boac sa December 2.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 15,301 total views

 15,301 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 38,453 total views

 38,453 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 108,567 total views

 108,567 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 183,179 total views

 183,179 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 262,207 total views

 262,207 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top