Buhay ni St.Carlo Acutis, isang paanyaya sa lahat na huwag sayangin ang buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,262 total reads

Inihayag ni Msgr. Anthony Figueiredo, Director of International Affairs and Custodian of the Pericardium Relic of St. Carlo Acutis for the Diocese of Assisi, ang mensahe ng pag-asa at pananampalataya kaugnay sa pagbisita ng first class relic ng batang santo sa Pilipinas.

Ibinihagi ni Msgr. Figueiredo ang naging pagninilay ni Pope Leo XIV sa canonization ni St. Carlo Acutis, na ang buhay ng batang santo ay paanyaya lalo na sa kabataan na huwag sayangin ang buhay, kundi gawing makabuluhan sa pamamagitan ng pamumuhay na nakatuon kay Hesukristo.

Binigyang-diin ng monsignor na ang naging daan ni San Carlo tungo sa kabanalan ay ang palagiang paglapit at pagkapit kay Hesus, na itinuring niyang puso at sentro ng kanyang buhay.

“Saint Carlos Acutis is an invitation, not to waste life but to make of life a masterpiece,= and the secret is what Carlo teaches us. Carlo says always to be united to Jesus and that became the heart of his life,” pahayag ni Msgr. Figueiredo mula sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinaliwanag din ni Msgr. Figueredo na ang “Coure A Cuore” o “Heart to Heart”, tema ng pagdalaw ng pilgrim relics ni San Carlo, ay paanyaya sa mga mananampalataya na bumuo ng sariling “spiritual pericardium.”

Ayon sa monsignor, ang pericardium relic, ang lamad na bumabalot sa puso, ay sumasagisag sa kabanalan ng buhay ni San Carlo na nakaugat sa limang haligi ng pananampalatayang kanyang isinabuhay at itinuro—ang pagdalo sa Misa, pagpaparangal sa Kabanal-banalang Sakramento, pangungumpisal, debosyon sa Mahal na Birheng Maria at mga Santo, at pagkakawanggawa.

Iginiit din ni Msgr. Figueiredo ang paalala ni San Carlo na ang mundo ay nangangailangan ng mga banal dahil sila ang nagbibigay-pag-asa sa gitna ng kaguluhan, karahasan, digmaan, at iba’t ibang pagsubok tulad ng mga kalamidad at katiwaliang nararanasan sa Pilipinas.

“We need saints because saints change the world. They are a word of hope. And so often it seems we live in a hopeless world. So many problems, violence, wars, difficulties, even the Philippines, you’ve suffered from natural calamities, political corruption—and Carlo is a sign that goodness exists,” ayon kay Msgr. Figueiredo.

Sa pagbisita ng pericardium relic sa bansa, umaasa ang monsignor na mas marami pang Pilipino ang mahikayat na sundan ang landas ng kabanalan ni San Carlo, na tinaguriang millennial saint at saint of the digital age.

Dumating sa Pilipinas ang first class relic noong November 27 mula sa Diocese of Assisi, Italy, at nakatakdang libutin ang 19 arkidiyosesis at diyosesis sa Luzon hanggang December 15, 2025.

“This is what we bring in this pilgrimage. Miracles are possible through Saint Carlo Acutis. He’s working for us in heaven. Do not put limits on what Saint Carlo wants to do for us through Jesus in heaven,” saad ni Msgr. Figueiredo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 53,414 total reads

 53,414 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 157,988 total reads

 157,988 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 194,775 total reads

 194,775 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 225,351 total reads

 225,351 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 271,604 total reads

 271,604 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,287 total reads

 57,287 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top