Pagsasabatas ng 200-peso minimum wage hike, hamon ng kongresista kay PBBM at House Speaker

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,921 total views

Hinamon ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang administrasyong Marcos at liderato ng Kamara na isertipika bilang ‘urgent’ ang pagsasabatas ng P200 minimum wage hike.

Ayon kay Cendaña, ito ay kung tunay ang hangarin ng gobyerno na maibalik ang tiwala ng publiko.

Sinabi pa ng mambabatas, nawa ay pakinggan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panawagan ng taong bayan sa ginanap na Trillion Peso March at ang binitiwang hamon ni Kalookan Bishop, Cardinal Pablo Virgilio David.

“Tutal sabi ng Palasyo minonitor ni Pres. Marcos ang Trillion Peso March kahapon, sana naman pinakinggan ng pangulo ang paalala ni Cardinal David sa kanya na ‘magtrabaho ka naman’. Those words should carry more weight than the opinions of his unsympathetic economic managers who sabotaged the wage hike increase last year,” ayon kay Cendaña.

Hinimok din ni Cendaña, ang mga kapwa mambabatas na agad na isabatas ang panukalang umento kung nais nilang maibalik ang tiwala ng bayan.

Giit pa ng mambabatas, “Kung seryoso ang Kamara na makuha ang tiwala ng taumbayan, dapat minamadali natin ang pagtaas ng kinikita ng mga manggagawa. Hirap magtiwala ang taumbayan sa mga pangakong reporma kung nakikita nila ang agwat ng pamumuhay ng mga public officials sa pamumuhay nila.”

Bukod kay Cendaña, kasama ring umakda sa House Bill 766 o P200 wage hike sina Representatives Chel Diokno, Dadah Kiram Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao na kasalukuyang nakabinbin sa House Committee on Labor and Employment.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 20,109 total views

 20,109 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 43,261 total views

 43,261 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 113,375 total views

 113,375 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 187,989 total views

 187,989 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 266,637 total views

 266,637 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top