Kaunlaran, hindi makakamtam kung walang diyos sa buhay ng tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,873 total reads

Binigyang-diin ni Diocese of Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na ang tunay na kaunlaran ng bansa ay hindi makakamtan kung wala ang Diyos sa buhay ng tao at lipunan.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo sa tinaguriang “i-TAG 3G Prayer Gathering for Good Governance” na lokal na pagkilos ng diyosesis noong Nobyembre 29, 2025 bilang pakikiisa sa malawakang Trillion Peso March Movement laban sa katiwalian at patuloy na pag-iral ng dinastiya sa bansa.

Sa naganap na gawain ay nanindigan din si Bishop Almedilla na siya ring bagong Regional Representative ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa North Mindanao para sa tapat, makatao, at makadiyos na pamamahala sa buong bansa.

Sa kaniyang mensahe, binigyan-diin ng Obispo na ang krisis ng katiwalian sa lipunan ay hindi lamang usaping politikal, kundi isang krisis ng moralidad at pananampalataya, sapagkat hindi uunlad ang lipunan kung nananatiling nakahiwalay sa Diyos ang pamumuhay ng bawat isa at pamumuno ng mga opisyal sa iba’t ibang mga institusyon ng pamahalaan.

“If God is absent in our lives, and life as a society, there will be no true prosperity in our beloved country Philippines. What is the antidote to corruption? Let’s TAG this — life of integrity with transparency, accountability, and good governance.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Almedilla.

Hinimok din ng Obispo ang mga mananampalataya na maging aktibong tagapagtaguyod ng katotohanan at katarungan, at huwag lamang basta manood habang unti-unting sinisira ng katiwalian ang kinabukasan ng sambayanan.

Kasabay ng panalangin, nagkaroon din ng simbolikong paglalakad, pagdarasal ng Santo Rosaryo at pagbabahagi ng mga testimonya mula sa mga lokal na grupo na nagsusulong ng reporma sa pamahalaan.

Ayon sa Diocese of Butuan, mahalagang ipakita ng Simbahan na ito ay kasama ng bayan sa paghahangad ng isang lipunang makatarungan, tapat, at may malasakit sa mahihirap at naaapi.

Kaugnay nito, naniniwala si Rev. Fr. Gilbert Billena isa sa mga Pari mula sa Diyosesis ng Butuan, na mahalaga ang naging aktibong partisipasyon ng mga mananampalataya sa naganap na lokal na pagkilos sa diyosesis sapagkat bilang mga Kristiyano ay hindi maaring manahimik na lamang ang bawat isa sa gitna ng patuloy na katiwalian na nagaganap sa lipunan na mayroong direktang epekto sa buhay ng bawat mamamayan.

“As Christians, we must speak out. Corruption harms our people, and we cannot remain silent.” Pahayag ni Fr. Billena sa Radyo Veritas.

Umabot sa 6,000 ang mga nakibahagi sa lokal na pagkilos ng Diyosesis ng Butuan na dinaluhan ng mga layko, pari, relihiyoso at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na nagtipon para sa panalangin at pagkakaisa bilang solidarity action ng diyosesis para pananalangin sa mga pinuno ng bansa; para sa paglilinis ng mga institusyon; at para sa pagbibigay-lakas sa mga mamamayang patuloy na nagsusulong ng katotohanan at katarungang panlipunan.

Ang naganap na “i-TAG 3G Prayer Gathering for Good Governance” sa Butuan Sports Complex, Libertad, Butuan City noong November 29, 2025 ay bahagi ng mas malawak at kongkretong paninindigan ng Diyosesis ng Butuan upang patatagin ang moral voice ng Simbahan at ipanawagan ang pamamahala na tunay na naglilingkod sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 147,416 total reads

 147,416 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 220,567 total reads

 220,567 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 254,015 total reads

 254,015 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 289,314 total reads

 289,314 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 510,105 total reads

 510,105 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top