Paglaban sa katiwalian, paiigtingin pa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,590 total reads

Tiniyak ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr na hindi natatapos sa Trillion Peso March ang patuloy na pakikibaka upang maibalik ang ninakaw sa kaban ng bayan.

Ito ang mensahe nang Obispo sa kaniyang pakikiisa sa ikalawang Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument na dinaluhan ng libo-libong Pilipinong mula sa ibat-ibang Diyosesis, sektor ng lipunan at mga grupo upang paigtingin ang paninindigan laban sa korapsyon.

Panawagan ng Obispo sa mga Pilipino na huwag makampante at ipagpatuloy ang pag-aalab ng damdamin laban sa mga tiwaling opisyal na dapat sana ay nagsusulong sa pagpapaunlad sa bayan.

“Hindi tayo maging kampante, hindi tayo mapapagod sa pagtatawag ng hustisya at maibalik yung nanakaw na salapi at maparusahan yung nagkakasala. So patuloy itong pagmamatiyag,pagmamasid at pagtatawag ng accountability and transparency and eventually justice,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Ayuban.

Pinarating din ni Bishop Ayuban ang pagpapasalamat sa mga Pilipinong nakiisa sa pagkilos kahapon na kasabay nang Andres Bonifacio Day.

Gayundin ang pasasalamat sa mga mananampalatatayang mula sa 86 na magkakaibang Diyosesis na nagpahayag ng pakikiisa sa Trillion Peso March.

Ito ay dahil nadin umabot sa hanggang 90-libong ang nakiisa sa Trillion Peso March na isinagawa sa Metro Manila at ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

“Una sa lahat, ako nagpapasalamat sa lahat ng dumalo sa mga obisko, sa mga pari, mga consecrated persons, mga laikos.Ito ay nasa loob ng Diyos ng Cubao. By default, kami yung host.At malaking pasasalamat dahil pinapakita natin na tayo nagigising na.At merong 86 dioceses that are holding simultaneous protest rallies asking for accountability and transparency,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Elias.

Pangunahing ipinananawagan ang pagkakaroon ng pananagutan, kaliwanagan at pagkundena sa mga nabunyag na anomalya sa kaban ng bayan ang naging sentro ng ikalawang Trillion Peso March.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 148,815 total reads

 148,815 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 221,898 total reads

 221,898 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 255,346 total reads

 255,346 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 290,645 total reads

 290,645 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 511,395 total reads

 511,395 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top