House Speaker sa kapwa mambabatas, ibalik ang tiwala ng mamamayan sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,066 total reads

Hinikayat ni House Speaker Faustino Dy III ang kapwa mambabatas, maging ang mga kawani ng House of Representatives na makiisa para maibalik ang tiwala ng publiko sa institusyon at maihatid ang reporma na kinakailangan ng mamamayan.

Ito ang mensahe ni Dy, sa flag raising ceremony sa Batasan Complex kaugnay na rin sa kinakaharap na hamon ng Kamara na maisasakatuparan lamang kung sama-samang kikilos tungo sa pagbabago.

“Mga kasama, malinaw ang hamon sa ating lahat: Magkaisa. Magtulungan. Isantabi ang pansariling interes para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino,” ayon kay Speaker Dy.

Hiling ng mambabatas sa bawat isa na manatiling nakatuon sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Giit pa ng pinuno ng Kamara, “Kayang-kaya nating itayo ang isang Kongresong tapat, makatao, makabayan, at tunay na nagsisilbi. Kayang-kaya nating maging instrumento ng pagkakaisa at paghilom ng ating bayan.”

Hinimok din ni Dy ang mga mambabatas at kawani na huwag magpaapekto sa ingay ng pulitika at maling impormasyon na maaring makagambala sa kanilang tungkulin.

“Hinihikayat ko kayo: huwag nating hayaang maapektuhan tayo ng mga naririnig o nababasa sa social media. Kayang-kaya nating baguhin ang imahe ng institusyong ito sa pamamagitan ng tapat, masipag, at makabuluhang paglilingkod,” ayon pa kay Dy.

Umaasa ang Speaker na sa mga susunod na panahon ay mababawi rin ng Kamara ang paggalang at nararapat na dignidad sa institusyon.

Una na ring nahaharap sa kontrobersya ang Kongreso, dahil sa pagkakasangkot ng mga ilang mga mambabatas sa flood control anomalies, at sinasabing ‘insertions’ sa 2025 budget.

Ang mga alegasyon ng malawakang katiwalian sa gobyerno ang dahilan ng isinasagawang serye ng protesta ng publiko na nanawagan ng pananagutan ng lahat ng sangkot sa katiwalian.

Kabilang din sa panawagan ng isinagawang Trillion Peso March sa Edsa ang pagpasa ng panukala kaugnay sa political dynasty.

Kamakailan lang ay inanunsyo ni Dy-na ang angkan ay bahagi ng dinastiya, ay nagpahayag ng suporta sa pagsusulong ng anti-dynasty bill, na matagal nang nakabinbin sa Kamara.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 150,684 total reads

 150,684 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 223,688 total reads

 223,688 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 257,136 total reads

 257,136 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 292,435 total reads

 292,435 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 513,108 total reads

 513,108 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top