Makapangyarihan ang sambayanang Pilipino kaysa mga halal na opisyal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,878 total views

Nanindigan si Antipolo Bishop Ruperto Santos na mas makapangyarihan ang sambayanang Pilipino kaysa sa mga halal na lider, kaya’t higit kailanman ay mahalaga ang pagkakaisa ng mamamayan.

Sa kanyang mensahe sa Trillion Peso March noong November 30, iginiit ng obispo na dapat papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno at ang kanilang mga kasabwat upang maibalik ang katarungan sa taumbayan.

“We are not powerless. We are the lifeblood of this nation. We are the voice that cannot be silenced. They must return what they have taken, stand before the courts of justice, and ultimately, face the judgment of God,” pahayag ni Bishop Santos.

Mariin kinondena ng obispo ang “labis na kasakiman” ng mga nasa kapangyarihan na patuloy nagwawaldas sa pondo ng bayan habang ang mga kabataan ay napipilitang mag-aral sa mga silid-aralang sira at binabaha.

Ayon kay Bishop Santos, ang sama-samang paglahok ng mga mamamayan sa Trillion Peso March ay simbolo ng pagtindig para sa bawat karaniwang Pilipino.

“To every Filipino who labors with dignity and pays taxes with hope, the Trillion Peso March is for you… Justice is twisted: the poor are punished swiftly, while the corrupt feast on extravagant meals, untouched by the law,” aniya.

Hinimok din ng obispo ang publiko na magpatuloy sa pakikibaka para sa katotohanan, katarungan, at reporma, habang nananatili sa landas ng kapayapaan.

“Let our voices thunder across the land. Let our unity be our strength. Choose peace. March with purpose. Raise your voice with passion, but act with grace,” dagdag ni Bishop Santos.

Matagumpay ang ikalawang Trillion Peso March na inorganisa ng iba’t ibang sektor, kabilang ang Simbahan.

Nagsagawa rin ng lokal na pagkilos ang 86 na ecclesiastical territories sa buong bansa, kasama ang kani-kanilang parokya.

Pinangunahan ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang banal na misa sa pangunahing pagtitipon sa EDSA People Power Monument na dinaluhan ng libu-libong mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 16,891 total views

 16,891 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 40,043 total views

 40,043 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 110,157 total views

 110,157 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 184,769 total views

 184,769 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 263,683 total views

 263,683 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top