Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging saksi ni Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,647 total reads

Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Kristo.

Sa pagninilay para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal nitong Hulyo 9, hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na tularan si San Juan Bautista na walang alinlangang ibinahagi at pinadaloy ang biyaya upang mailapit sa mga tao ang pag-ibig at pagpapala ni Kristo.

“Padaluyin natin ang gawa, ang awa, at pagmamahal ng Diyos sa isa’t isa. Sa halip na maging ganid at madamot, maging daan nawa tayo upang umagos ang biyaya mula sa Diyos patungo sa ating kapwa. Ihatid natin ang biyaya at pagmamahal ni Kristo sa bawat isa, maging daan tayo ng pagpapadaloy ng biyaya,” pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ibinahagi ng kardinal na bukod sa pagiging mag-pinsan, ipinakita rin ni San Juan Bautista ang pagiging tunay na kaibigan kay Hesus sa pamamagitan ng kapakumbabaang pagpapahayag ng katotohanang hindi siya ang mesiyas, kundi ang Panginoong Hesukristo.

Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na kahanga-hanga ang katangian ni San Juan Bautista dahil sa kabila ng katanyagan at kagalingan, tapat pa rin nitong ginampanan ang misyong ipakilala at ilapit sa mga mananampalataya ang Panginoon.

“Mga kapatid, maging kaibigan nawa tayo ni Hesus. Katulad ni San Juan, magpatotoo tayo sa liwanag, magpatotoo tayo sa tunay na mesiyas, magpatotoo tayo kay Hesus. Pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Hesus—ito ang mga biyayang hihilingin natin sa Diyos dito sa ating basilika ni San Juan Bautista sa Taytay. Nawa’y ipagkaloob sa atin ito ng Panginoon,” ayon kay Cardinal Advincula.

Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang banal na misa at maringal na pagtatalaga sa ika-23 Minor Basilica sa Pilipinas at kauna-unahan sa Diyosesis ng Antipolo at lalawigan ng Rizal, katuwang sina Antipolo Bishop Ruperto Santos at Basilica Rector, Fr. Pedrito Noel Rabonza III.

Saksi naman sa pagdiriwang sina Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco; Antipolo Bishops emeriti Francisco de Leon at Gabriel Perez; Catholic Bishops’ Conference of the Philippines vice president, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara; iba pang arsobispo at obispo sa Pilipinas; mga pari ng Diyosesis ng Antipolo at mga karatig na diyosesis; at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Antipolo at lalawigan ng Rizal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 46,452 total reads

 46,452 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,245 total reads

 96,245 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,116 total reads

 144,116 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,065 total reads

 248,065 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 331,807 total reads

 331,807 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,402 total reads

 166,402 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top