Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

SHARE THE TRUTH

 22,996 total views

Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign.

Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya.

“Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those bearing the cross of persecution and to strengthen our own faith in the face of trials…I encourage each parish, mission station, Catholic school, religious community in our diocese to participate actively in this observance,” ayon kay Archbishop Bendico.

Ibinahagi ng Aid to the Church in Need (ACN) Philippines na tema ng Red Wednesday Campaign ngayong taon ang ‘One in Suffering, One in Consolation’ na ipadiriwang sa November 27 bilang pakikiisa sa katatapos na Synod on Synodality.

“In this challenging time, may Red Wednesday remind us that no believer stands alone. United as one Body in Christ, we stand with our suffering brothers and sisters in prayer and action,” ani Archbishop Bendico.

Kaugnay nito sinabi ni Archbishop Bendico na bilang pakikiisa ng arkidiyosesis inatasan nito ang mga parokya, kapilya at iba pang church institution na magpailaw ng pula sa harapan ng mga gusali bilang pag-aalala sa dugo na inialay ng mga kristiyanong martir dahil sa paninindigan sa pananampalataya.

Gayundin ang pagsusuot ng pulang damit sa pagdalo sa mga gawain bilang suporta sa inisyatibo ng ACN para sa buong simbahan.

Magkakaroon din ng banal na misa para sa persecuted christians kung saan pangungunahan ni Archbishop Bendico ang Votive Mass at pagpapailaw ng pula sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedralof Capiz sa alas singko ng hapon.

Magkakaroon din ng special collections sa naturang araw para sa mga programa at proyekto ng ACN Philippines lalo na ang pagbibigay suporta sa mga kristiyanong biktima ng karahasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Samantala isasagawa ang main celebration ng Red Wednesday Campaign sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag na pangungunahan ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Magsisimula ang pagdiriwang sa ikaapat ng hapon sa pagdarasal ng Santo Rosaryo na susundan ng Banal na Misa at pagsindi ng mga kandila.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,555 total views

 47,555 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,643 total views

 63,643 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 101,032 total views

 101,032 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,983 total views

 111,983 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top