Simbahan, nakahandang makipagdayalogo sa mga kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,718 total views

Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng simbahan.

“Our Society needs Leaders and we Look for Leaders who can empathize the needs of those being marginalized,” ayon sa pahayag ni Jumoad sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon pa kay Bishop Jumoad, kinakailangang magkaroon ang bansa ng mga lider na may kakayahang makiramay at maglingkod nang tapat, lalo na sa mga sektor na madalas na napapabayaan.

Sinabi pa ng obispo, “We in the church are more willing to dialogue our candidates so that who ever will win, the agenda for good governance espoused by the church will be best remembered by them. Our people deserve leaders who can deliver the basic services so that society will really become peaceful.”

Binigyang-diin ng arsobispo na mahalagang ang bawat nahalal na opisyal ay may responsibilidad sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo upang maging mas mapayapa at maayos ang ating lipunan.

Sa kanyang panawagan, ipinahayag niya ang patuloy na suporta ng simbahan sa mga programa at polisiya na makakatulong sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Ito ay nagpapakita ng pagnanais ng simbahan na makipagtulungan sa mga lider ng pamahalaan upang matiyak ang pananagutan, integridad, at pagkalinga sa kanilang paglilingkod.

Umaasa rin si Arsobispo Jumoad na ang pagmamalasakit at mabuting pamamahala ay nawa’y tuwinang mangibabaw sa isip at puso ng bawat kandidato.

Una na ring nanindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) nang hindi pag-eendorso ng kandidato sa halalan.

Sa hiwalay na panayam, nilinaw din Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang anumang larawang makikitang kasama ng mga opisyal ng simbahan ang ilang kandidato ay hindi nangangahulugang pagsang-ayon o pagkiling sa kanilang kandidatura at plataporma kundi pagtanggap bilang spiritual fathers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 61,790 total views

 61,790 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 94,872 total views

 94,872 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 123,223 total views

 123,223 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 190,955 total views

 190,955 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 209,803 total views

 209,803 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top