Manindigan para sa buhay, hamon ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,849 total views

Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang matatag na paninindigan at pagbibigay halaga sa ipinagkaloob na buhay ng Panginoon sa bawat nilalang.

Ito ang bahagi ng mensahe ni CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairman, Antipolo Bishop Ruperto Santos kaugnay sa nakatakdang Walk for Life 2024 sa darating na ika-17 ng Pebrero, 2024.

Ayon sa Obispo, mahalaga at sagrado ang ipinagkaloob na buhay ng Panginoon sa bawat nilalang na nagmula sa kanyang wangis kaya nararapat lamang na bigyang halaga.

“Why is it important to value and respect life? Because it is a gift from God and we were created in His image. The sanctity of life stems from the fact that God is the Creator. All of us exist because we were created purposefully by our Heavenly Father. Therefore, God is honored when we respect His image in one another. It is because of His creative handiwork that we have dignity, value, and morality.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Bilang pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang ay inaanyayahan ni Bishop Santos ang lahat na makibahagi sa nakatakdang Walk for Life 2024 sa ika-17 ng Pebrero, 2024 mula alas-kwatro ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga.

Magsisimula ang alay lakad para sa buhay sa Welcome Rotunda, Quezon City hanggang University of Santo Tomas (UST) Grandstand, España, Manila kung saan magkakaroon ng maikling programa bago ang pagdiriwang ng banal na eukaristiya na pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Umaasa si Bishop Santos na sama-samang manindigan ang lahat sa pagsusulong sa kahalagahan ng bawat buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat nilalang.

“On February 17 at 4:00 A.M. to 8:00 A.M., I encourage everyone, let us all defend life. Let us “together, walk for life” praying the Holy Rosary from Welcome Rotonda in Quezon City going to UST Manila, where there will be a program and Eucharistic Celebration held. Let us walk under the direction and ways of God. Let us walk with one another, in one voice, as we uphold life’s sacredness and its preservation. Let us show to others that we value life as God’s precious gift.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Napiling tema ng “Walk for Life 2024” ang “Together, We Walk for Life” na naglalayong himukin ang lahat na sama-samang manindigan para sa pagsusulong ng buhay ng bawat nilalang sa daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 84,829 total views

 84,829 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 98,406 total views

 98,406 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 126,970 total views

 126,970 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 174,591 total views

 174,591 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 163,702 total views

 163,702 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top