Manindigan sa katotohanan at katarungan, hamon ng CMSP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 252 total views

Nanawagan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa mamamayan na maging mapanuri at manindigan sa katotohanan at katarungan sa gitna ng mga suliraning kinakaharap ng bansa.

Sa pahayag ng CMSP–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (JPICC) sa isinagawang Confessio Peccati at Penitential Walk 2026 na may temang “Daan ng Krus, Lakbay ng Pag-asa at Pananampalataya,” iginiit ng mga consecrated men and women na hindi maaaring manahimik ang Simbahan sa harap ng mga umiiral na kawalan ng katarungan sa lipunan.

“In such a time, the Church cannot remain silent. For silence in the face of injustice becomes complicity,” ayon sa pahayag ng CMSP-JPIC.

Binigyang-diin ng grupo na ang sakripisyo sa Daan ng Krus ay hindi lamang isang ritong pansimbahan kundi isang paninindigan para sa kapakanan ng sambayanan.

“This is not simply a religious ritual. It is a public act of conscience,” ayon pa sa CMSP.

Inilarawan din ng grupo ang iba’t ibang anyo ng pagdurusa na patuloy na dinaranas ng maraming sektor ng lipunan na inihalintulad sa krus na pasan ng mga mamamayan.

“We see the Cross in the hungry poor struggling for dignity, in indigenous communities defending their ancestral lands, and in workers and migrants who endure hardship in search of a better life,” ayon sa pahayag.

Dagdag pa ng CMSP, makikita rin ang krus sa mga biktima ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao.

“We see it in the victims of violence, extra-judicial killings, human trafficking, and the intimidation of human rights defenders,” saad ng grupo.

Ayon sa CMSP, ang mga suliraning panlipunan na kasalukuyang kinakaharap ng bansa ay sumasalamin sa mas malalim na suliraning moral na kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan.

“We witness the distortion of truth through disinformation and manipulation of public discourse, the entrenchment of corruption and political dynasties, and the erosion of accountability in public leadership,” giit ng CMSP.

Binigyang-diin din ng grupo na ang ganitong kalagayan ay nagdudulot ng paghina sa mga institusyon ng demokrasya at sumisira sa kabutihang panlahat.

“Such conditions weaken democratic institutions and undermine the common good,” ayon sa pahayag.

Aminador rin ang mga consecrated persons sa mga pagkukulang ng kanilang hanau sa pagtupad sa kanilang misyon na maging tinig ng katotohanan at katarungan.

“There were moments when we remained silent when the Gospel demanded courage, and times when fear or comfort weakened our witness,” anila.

Dahil dito ay humingi rin ng kapatawaran ang grupo sa Diyos at sa sambayanan.

Hinimok naman ng CMSP ang lahat ng mamamayan na ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao, tutulan ang katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan, pangalagaan ang mga demokratikong institusyon, at manindigan sa katotohanan sa buhay panlipunan.

Binigyang-diin ng mga relihiyoso na sa tuwing ipinapako sa krus ang katotohanan at iniiwan ang mahihirap ay muling nabubuhay ang krus sa buhay ng bawat Pilipino.
“For whenever truth is crucified and the poor are abandoned, the Cross rises again in the life of our nation,” ayon sa CMSP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 49,054 total views

 49,054 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 173,465 total views

 173,465 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 215,748 total views

 215,748 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 293,613 total views

 293,613 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top