I-alay ang mga hakbang sa pagtatanggol sa buhay at kapayapaan, makiisa sa Penitential Walk for Life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 421 total reads

Inaanyayahan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalatayang may pagpapahalaga sa sagradong buhay na makiisa sa Penitential Walk for Life 2026 na gaganapin sa Intramuros, Manila.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Dipolog Bishop Severo Caermare, mahalagang sama-samang manalangin at magnilay ang mga mananampalataya sa gitna ng mga hamong kinahaharap ng mundo at ng bansa sa kasalukuyan.

“Hello everyone, this is Bishop Ver, the Chairman of the CBCP Episcopal Commission on the Laity, inviting you to join the Penitential Walk for Life 2026. In these times of warring nations, where many people’s lives are at stake, rising prices of basic commodities, and corruption and growing uncertainty that affects our daily lives, we are called to return to God with humble hearts,” Paanyaya ni Bishop Caermare sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang gawain ay isang pagkakataon para sa mga mananampalataya na sama-samang maglakad sa diwa ng panalangin, pagsisisi, at pag-asa habang iniaalay ang kanilang mga hakbang para sa pagtatanggol sa buhay at kapayapaan sa mundo.

“Let us walk together in prayer, repentance and hope, offering our steps for the protection of life, peace in our world, and strength for families facing many difficulties today,” Dagdag pa ni Bishop Caermare.

Hinihikayat ni Bishop Caermare ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa gawain na magsisimula alas-2 ng hapon sa Intramuros, Maynila bilang tanda ng sama-samang paninindigan para sa kasagraduhan ng buhay.
“See you at Intramuros, Manila at 2pm. Let us come together and walk for life. God bless us all. Thank you,” Ayon pa kay Bishop Caermare.

Magsisimula ang pagtitipon ganap na alas-dos ng hapon sa Baluarte Plano Luneta de Sta. Isabel, Intramuros na susundan ng Penitential Walk with Via Crusis ganap na alas-kwatro kinse ng hapon kung saan sa diwa ng pagkakaisa at pananampalataya ay sama-samang maglalakad ang lahat patungong Minor Basilica and Metropolitan Cathedral o Manila Cathedral.

Inaasahan namang pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng banal na misa matapos ang maikling programa ganap na alas-syete y medya ng gabi.

Ang Walk for Life ay unang isinagawa noong 2017 sa pangunguna ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na implementing arm ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity na naglalayong ipahayag ang mariing paninindigan para sa buhay na hindi lamang nakatuon sa usapin ng extra-judicial killings kundi sa iba pang usapin na malaking banta sa buhay ng tao at maging ng kalikasan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,036 total reads

 14,036 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,117 total reads

 15,117 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,560 total reads

 30,560 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,937 total reads

 67,937 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,207 total reads

 99,207 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 174,506 total reads

 174,506 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,255 total reads

 267,255 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,981 total reads

 25,981 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top