Kapilya sa Brgy.Pinyahan, Quezon city, nagsilbing pag-asa sa mga nasunugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 377 total views

Naging simbolo ng pananampalataya at pag-asa para sa mga residente ng isang nasunog na komunidad sa Barangay Pinyahan, Quezon City ang kapilyang nakatalaga sa Kalinis-linisang Puso ni Maria na nanatiling buo sa gitna ng matinding sunog na sumalanta sa libu-libong pamilya.

Ayon kay Fr. Marti Espenido, kura paroko ng San Isidro Labrador Parish, nagsimula ang sunog bandang alas-9 ng gabi noong Biyernes at mabilis na kumalat sa komunidad ng mga maralitang residente.

“Nag-start siya ng mga alas-9 ng gabi… by 11:30 nag-chat na yung mga parishioners ko na naubos yung buong community of around 4,000 families,” pahayag ni Fr. Espenido sa Radyo Veritas.

Sa kabila ng lawak ng pinsala, ibinahagi ni Espenido na nanatiling nakatayo at halos walang pinsala ang kapilya na matatagpuan sa gitna ng komunidad na tinupok ng apoy.

Maging ang mga bagay na nasa kapilya ay hindi napinsala, tulad ng mga puting ribbon sa anti-corruption campaign at mga plastic na upuan.

“Yung chapel kasi gitnang-gitna ho siya ng community… lahat ng four-story at mga barong-barong sa paligid ubos, pero yung chapel natin, walang kahit anong bahid ng sunog,” ani Fr. Espenido.

Dahil dito, sinabi ng pari na naging malaking inspirasyon sa mga residente ang nanatiling buo ang kapilya sa gitna ng kanilang matinding pagsubok.

“Ang parating sinasabi ng mga tao, ‘Father, totoo yung Diyos, totoo na may Diyos. Kaya natin ’to. Yung chapel nga, buo,’” pagbabahagi ng pari.

Bukod sa kapilya, ibinahagi rin ng pari na isang malaking biyaya na sa apat na libong apektado ay walang nasawi na may kaugnayan sa sunog maliban sa isang namatay dahil sa atake sa puso.

Ayon sa pari, sa kabila ng pagkawala ng mga tahanan at ari-arian, pinanghahawakan ngayon ng mga residente ang pananampalataya at pasasalamat sa Diyos dahil ligtas ang kanilang mga pamilya.

“Magpasalamat tayo na buo ang pamilya. Mahirap tumayo pag naubos ang ari-arian, pero wala siya sa kalingkingan ng sakit na mawalan tayo ng mahal sa buhay dahil sa trahedya,” ani Fr. Espenido.

Sa kasalukuyan, tinatayang halos 3,000 pamilya ang pansamantalang nananatili sa iba’t ibang evacuation centers kabilang ang simbahan, mga paaralan at covered courts sa lugar.

Nanawagan naman si Fr. Espenido sa publiko ng patuloy na tulong at panalangin para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

“Mas kailangan po namin ngayon ay lutong pagkain at tubig… pero higit sa lahat, panalangin po para sa mga nasunugan na makabangon at magkaroon ng magandang kinabukasan sa kabila ng nangyari,” aniya.

Samantala, umaasa rin ang pari na makakahanap ng pangmatagalang solusyon ang pamahalaang lokal upang matulungan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan na muling makapagsimula.

Sa mga nais magbahagi ng tulong maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng San Isidro Labrador Parish sa 35 Malakas Street Pinyahan, Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 149,261 total views

 149,261 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 179,485 total views

 179,485 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 206,131 total views

 206,131 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 301,104 total views

 301,104 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 312,370 total views

 312,370 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top