Mahalagang tungkulin ng kababaihan sa pagtataguyod ng climate justice, kinilala ng Caritas Internationalis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 477 total reads

Binibigyang-diin ng mga tagapagtaguyod ng climate justice ang mahalagang tungkulin ng kababaihan sa mga bansa sa Global South, kabilang ang mga nasa Asia, Africa, Latin America, at mga pulo sa Pacific Ocean, sa gitna ng lumalalang krisis sa klima.

Ayon kay Caritas Internationalis’ Regional Jubilee Program Lead for Asia Jing Rey Henderson, bagamat kabilang ang kababaihan sa higit na naaapektuhan ng mga sakunang dulot ng pagbabago ng klima, sila rin ay mahalagang puwersa sa pagpapatatag at pagbangon ng mga pamayanan.

Ipinaliwanag ni Henderson na dahil sa umiiral na hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan, mas mabigat ang pasaning dinaranas ng kababaihan tuwing may kalamidad.

Bukod sa paghahanap ng tubig at pagkain para sa pamilya, kadalasan din silang inaasahan na alagaan ang mga nasugatan at nawalan ng tahanan matapos ang sakuna.

“Women are not just victims of climate crises—they are catalysts for change. Their leadership, knowledge, and resilience are essential to building communities that can adapt and thrive in the face of disasters,” ayon kay Henderson.

Sa kabila nito, kinikilala ang mahalagang kaalaman ng kababaihan sa pangangalaga ng kalikasan, lalo na sa mga kanayunan at katutubong pamayanan kung saan sila ang nag-aalaga sa agrikultura, mga binhi, at biodiversity.

Isa sa mga halimbawa ng pamumuno ng kababaihan sa pangangalaga ng kalikasan ang Chipko Movement sa India, kung saan pinangangalagaan ng mga kababaihan ang mga kagubatan laban sa pagputol ng mga puno.

Iginiit ni Henderson na mahalagang isama ang kababaihan sa pagbuo ng mga polisiya at programa sa klima upang higit na mapatatag ang kakayahan ng mga komunidad na harapin ang mga hamon ng pagbabago ng klima.

“Empowering women is not optional—it is central to creating sustainable, just, and resilient communities across the Global South,” saad ni Henderson.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,039 total reads

 14,039 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,119 total reads

 15,119 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,561 total reads

 30,561 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,938 total reads

 67,938 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,208 total reads

 99,208 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 174,507 total reads

 174,507 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,256 total reads

 267,256 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,221 total reads

 74,221 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top