Mass for Justice and Peace, isasagawa sa SONA ng Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 634 total reads

July 20, 2020, 2:46PM

I-aalay ng Archdiocese of Manila ang lahat ng mga gaganaping banal na misa sa ika-27 ng Hulyo para sa kapayapaan at katarungan sa bansa.

Ito ang inihayag ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa tinukoy na ambag ng Simbahan para sa ika-5 State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa Obispo, ang pananalangin o ang espiritwal na aspekto ang pinakamahalagang maibabahagi ng Simbahan para sa kapakanan ng buong bansa kaya’t ilalaan ng mga Simbahan sa buong arkidiyosesis ang lahat ng misa sa pananalangin para sa pananaig ng kapayapaan at katarungan sa bayan.

“Kami po sa Simbahan ay mag-aambag sa araw ng SONA. Ang aming maibibigay at ang pag-ambag ay ang aming panalangin, mahalaga din ang espiritwal na component ng ating bansa. Kaya dito po sa Archdiocese of Manila lahat ng mga misa sa araw na ito sa umaga, sa tanghali, sa hapon, iyan po ay misa upang ipagdasal ang bayan.”pahayag ni Bishop Pabillo.

Inaanyayahan rin ni Bishop Pabillo ang bawat mananampalataya sa gagawing PANALANGIN NG SAMBAYANAN PARA SA KATARUNGAN AT KAPAYAPAAN – SONA HOLY MASS sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Manila Cathedral ganap na alas-dose kinse ng tanghali sa mismong araw ng SONA.

Ipinaliwanag ng Obispo na bagamat nakalaan para sa bayan ang lahat ng mga misa sa buong arkidiyosesis ay mahalaga rin ang sama-samang pananalangin na maaring makibahagi sa pamamagitan ng online mass.

“Pero magkaroon po tayo ng sama-samang pagdadasal kung pwede kayo ng alas-dose kinse ng tanghali sa July 27, yan po ang misa ay gaganapin sa Manila Cathedral na doon sama-sama tayong magdasal, mas maganda not only during the day but at the same time we pray together for the sake of the country and reflect about the state of the country asking the wisdom coming from the Lord Jesus.” Paanyaya ni Bishop.

Kasunod ng Banal na Misa ay magkakaroon rin ng Inter-confessional Ecumenical Inter-religious Prayer kung saan inanyayahan ang iba’t ibang denominasyon upang mag-alay rin ng panalangin para sa pangkabuuan kapakanan at kalagayan ng bayan.

Nakatakda ang ika-5 State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa ika-27 ng Hulyo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,581 total reads

 12,581 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,777 total reads

 13,777 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 28,514 total reads

 28,514 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,891 total reads

 65,891 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 97,161 total reads

 97,161 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,569 total reads

 172,569 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,420 total reads

 265,420 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,738 total reads

 25,738 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top