Mataas na presyo ng agricultural products, isinisi ni Senator Binay sa administrasyong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,999 total views

Inihayag ni Senator Nancy Binay na may pagkukulang ang pamahalaan kaya’t nagkakaroon ng suliranin sa agricultural products bawat taon.

Ito ang binigyang-diin ng mambabatas sa pagdinig sa senado nitong January 16 sa labis na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa.

Ayon kay Binay paulit-ulit ang nangyayaring suliraning kinakaharap ng onion farmers sa bansa subalit walang naging konkretong tugon ang pamahalaan upang mabigyang solusyon ang problema.

“It seems like the story is repeating itself. The bottom line is, we don’t have a plan when it comes to producing our agricultural products,” ayon kay Binay.

Bukod sa sibuyas tinukoy din ng mambabatas ang suliranin sa karne at bigas na kadalasang inaangkat ng bansa sa kabila ng mariing pagtutol ng local producers.

Iginiit ni Binay na dapat magkaroon ng karagdagang cold – storage facilities ang Pilipinas upang matulungan ang sektor ng agrikultura sa post-harvest at maiwasang masira ang ani ng mga magsasaka.

Sa isang panayam sinabi ni Pangulong Ferdinad Marcos Jr. na kasalukuyang namumuno sa Department of Agriculture na hindi sapat ang suplay ng sibuyas sa bansa kaya’t kinakailangang mag-angkat upang mapunan ang kakulangan sa mga pamilihan.

Nangangamba ang ilang mambabatas na magkaroon ng negatibong epekto sa mga magsasaka ang pag-angkat ng 21, 060 metric tons ng pula at dilaw na sibuyas lalo’t nalalapit na ang harvest season sa bansa.

Umaasa si Pangulong Marcos Jr. na sa pag-angkat ng sibuyas ay matulungang mapababa ang inflation rate ng bansa na ayon sa Philippine Statistics Authority ay umabot sa 8.1 percent dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga gulay at prutas.

Umapela naman ang Caritas Philippines sa pamahalaan na tulungan ang onion farmers at ang kabuuang sektor ng agrikultura na mapababa ang cost of production upang maiwasan ang pagkalugi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 20,235 total views

 20,235 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 42,240 total views

 42,240 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 66,582 total views

 66,582 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 90,429 total views

 90,429 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 124,700 total views

 124,700 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top