Matatag na pamilya, mabisang pananggalang sa drug addiction

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,705 total reads

Nanatiling ang matatag na pamilya ang isa pangunahing pananggalang laban sa pag-iwas sa pagkakalulong sa droga ng mga kabataan.

Ito ang binigyan-diin ni Pope Leo XIV sa pakikipagpulong sa mga kalahok sa 3-day conference na may temang “Faith-Based Response to Drugs and the Criminal Recruitment of Young People: A Dialogue from Latin America and the Caribbean to the World.”
“Today, we bear witness to the pain of many broken families, whether due to drug use, violence, the criminal recruitment of a child, poverty, or the lack of opportunities that push people to the margins of society,” paliwanag ni Pope Leo.

Kabilang din sa nakibahagi sa talakayan si Fr. Roberto Dela Cruz ng Sanlakbay para sa Pagbabagong Buhay-isang parish at community based rehabilitation ng simbahan sa Pilipinas para sa mga nalulong sa bisyo.

Ang Sanlakbay na itinatag noong 2016 ng noo’y arsobispo ng Maynila na si Cardinal Luist Antonio Tagle -ang kasalukuyang Pro-Prefect ng Vatican Dicastery for Evangelization, bilang tugon ng simbahan sa problema ng droga sa bansa at laban sa umiiral na drug war sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na malaki ang tungkulin ng pamilya sa paggabay sa mga kabataan upang hindi malihis ng landas.

“The family, which the Second Vatican Council rightly called the ‘domestic church,‘ is the place where life is nurtured, cared for, and planned. There is no better defense against drugs than a good family,” ayon pa sa mensahe ng Santo Papa.

Ayon sa Santo Papa, maraming pamilya ang naaapektuhan at nasisira dahil sa droga, karahasan, kahirapan, pagsali ng mga kabataan sa mga grupong kriminal, at kakulangan ng oportunidad sa trabaho.

Hinikayat ng pinunong pastol ang ng pagbibigay-halaga muli sa pamilya bilang domestic church o tahanan kung saan nahuhubog, inaalagaan at ginagabayan ang mga anak.

Binigyang-diin din ni Pope Leo na hindi lamang ang taong nalulong sa droga ang dapat tulungan, kundi ay marapat ding suportahan ang pamilya at komunidad na nakapaligid sa kanya.

Hango rin ang pagtitipon sa mga karanasan ng dating Buenos Aires Archbishop Jorge Mario Bergoglio, na kalaunan ay naging si Pope Francis, sa pagtulong sa mga taong may problema sa droga at iba pang suliraning panlipunan.

Sa kanyang mensahe, muling binigyang-diin ni Pope Leo ang tungkulin ng Simbahan na maging malapit sa mga taong dumaranas ng paghihirap at tumulong na maiwasan ang pagkakalugmok ng mga kabataan sa droga at krimen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,791 total reads

 15,791 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,892 total reads

 52,892 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,162 total reads

 279,162 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,629 total reads

 172,629 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,868 total reads

 265,868 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,673 total reads

 4,673 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top