Mga biyaheng pinopondohan natin

SHARE THE TRUTH

 106,321 total views

Mga Kapanalig, batay sa General Appropriations Act of 2024, nasa 1.4 bilyong piso ang inilaang badyet para sa mga biyahe ng pangulo sa taóng ito. Halos doble ito ng badyet noong 2023 na nasa 893 milyong piso. Sa unang anim na buwan ng termino ni Pangulong BBM, marami nang pumupuna sa madalas niyang pagbibiyahe, lalo na abroad. Pero laging sinasabi ng administrasyong mabunga naman daw ang mga biyahe ng pangulo. Makikita raw ito sa mga pangakong investments ng mga binibisitang bansa at mga trabahong lilikhain daw ng mga ito. 

Labing-siyam na ang mga foreign trips ng pangulo mula nang maupo siya sa puwesto. Pito sa mga biyaheng ito ay noong 2022 at labindalawa naman noong 2023. Parang buwan-buwan siyang lumalabas ng bansa. 

Paliwanag ni Pangulong Marcos, kailangan ang mga biyaheng ito upang ipakilala ang ating bansa sa buong mundo. Aniya, mahalagang makabuo ng personal na koneksyon sa iba’t ibang lider ng mga bansa. Dagdag naman ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil, mahalagang oportunidad ang foreign trips upang lumikha ng investments na makatutulong sa ating pagbagon sa COVID-19 pandemic. Para naman kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang mga gastusing ito, hangga’t may benepisyo at pakinabang na nadadala sa bansa, ay justified o mapangangatwiranan. 

Noong isang linggo, naglabas ng maraming impormasyon ang administrasyong Marcos upang bigyang-katwiran ang mga nasabing biyahe. Nariyang nakakalap naman daw ang gobyerno ng pledges na nagkakahalaga ng tinatayang apat na trilyong piso. Sa halagang ito, halos 1.6 trilyong piso ang makikita sa mga pinirmahang memoranda of understanding at letters of intent. Ang pledges na nagkakahalaga ng 1.5 trilyong piso naman ay kumpirmado na at nasa planning stage na. Ang natitira sa halagang ito ay napagkasunduang ilalagak sa iba’t ibang proyekto. Ayon sa Department of Trade and Industry, karamihan sa investment pledges na ito ay nasa manufacturing, information technology at business process management, renewable energy, data center, at telecommunications. Lilikha daw ang mga ito ng dalawandaang libong trabaho. Sana nga.

Bagamat totoong mahalaga ang mga foreign trips ng pangulo, dapat siguruhing taumbayan nga ang nakikinabang sa mga ito. Sa huli, kaban ng bayang mula sa dugo’t pawis ng taumbayan ang ginagastos sa mga biyaheng ito. Mahalagang manatiling kritikal at patuloy na nagtatanong ang taumbayan. Kailangan nga ba ang mga biyaheng ito o may mga biyaheng maaaring ipagpaliban upang magamit ang badyet sa mga proyektong direktang makikinabang ang taumbayan? Sinu-sino ang mga kailangan isama sa mga biyahe? Paanong mabilis at kongkretong mararamdaman ng mga Pilipino, lalo na ng mahihirap, ang bunga ng mga investment pledges na ito?

Kung hindi naman talaga makikinabang ang mga ordinaryong Pilipino sa mga pledges na ito—o kung ang mga negosyante at pulitiko lamang ang kikita sa mga ito—maituturing na porma ng katiwalian ang paggamit ng pondo ng bayan para sa napakaraming biyaheng ng pangulo at mga opisyal niya. Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang katiwalian ay isa sa mga pinakaseryosong depekto sa isang demokrasya. Sinisira nito ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno. Kapag nakokompormiso ang ugnayan ng estado at ng mga mamamayan, nawawalan ang huli ng ganang makilahok sa pamamahala, na obligasyon naman nating lahat. 

Mga Kapanalig, gaya ng paalala sa Hosea 9:9, “aalalahanin [ng Diyos] ang kanilang kasamaan, [at] dadalawin ang kanilang mga kasalanan.” Hindi bulag ang Diyos sa mga pang-aabuso, lalo na ng mga taong binigyan ng malaking responsabilidad, katulad ng ating mga lider. Kaya naman, patuloy nating bantayan ang mga ginagawa ng mga nasa gobyerno, lalo na kapag sinasabi nilang tayo naman ang makikinabang sa mga ito. Tandaan natin, pera natin ang nagpopondo sa mga biyahe ng pangulo. Tayo ang pinagmumulan ng kapangyarihan ng pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 70,933 total views

 70,933 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 81,726 total views

 81,726 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 87,132 total views

 87,132 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 124,215 total views

 124,215 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 135,861 total views

 135,861 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pinupulitikang ayuda

 70,934 total views

 70,934 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa kita

 81,727 total views

 81,727 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 87,133 total views

 87,133 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 124,216 total views

 124,216 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 135,862 total views

 135,862 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 105,980 total views

 105,980 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 111,773 total views

 111,773 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 124,155 total views

 124,155 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 72,471 total views

 72,471 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 107,677 total views

 107,677 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 153,510 total views

 153,510 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 154,528 total views

 154,528 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 128,294 total views

 128,294 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 125,353 total views

 125,353 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 126,395 total views

 126,395 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top