Mga deboto, inaanyayahang makiisa sa paghahanda ng NAZARENO 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,902 total reads

Inaanyayahan ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene ang mananampalataya lalo na ang mga deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno na makilakbay sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan sa January 9.

Ayon kay Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Hans Magdurulang, puspusan na ang paghahanda ng dambana sa Nazareno 2024 kaya’t mahalagang masubaybayan ito ng mga deboto para sa mas maayos na pagdiriwang.

“Sa ating mga deboto ng Poong Jesus Nazareno ang simbahan po ng Quiapo ay malugod na nag-aanyaya sa inyo na subaybayan po ninyo at makiisa sa preparasyon para malaman ang mga nararapat gawin sa Nazareno 2024 at sama-sama po nating ipagdiwang ito ng maayos, ligtas at banal.” pahayag ni Fr. Magdurulang sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng pari na tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Manila City gayundin sa iba pang ahensya ng gobyerno para ilatag ang mga plano sa pagdiriwang ng pista sa Enero.

Inihayag ni Fr. Magdurulang na pinag-aaralan ng basilica katuwang ang lokal na pamahalaan ang posibilidad ng pagbabalik sa mga nakaugaliang gawain tuwing pista ng Poong Jesus Nazareno.

Kamakailan ay inilunsad ng Quiapo Church ang logo sa Nazareno 2024 kalaki ang temang ‘Ibig naming makita si Hesus’ na hango sa ebanghelyo ni San Juan kabanata 12 talata 21.

Ipinaliwanag ni Fr. Magdurulang na bibigyang diin sa tema ang kahalagahang maibalik ang tuon ng tao sa Panginoong Hesus sa tulong ng kanilang maalab na debosyon sa Poong Hesus Nazareno sa harap ng maraming karanasan na nakakaapekto sa pisikal, mental at espiritwal na aspeto ng tao.

“Sa dami ng mga bagay na nangyari sa paligid natin coming from this pandemic experience, challenges sa bansa at sa buong mundo, ito ang magandang pagkakataon na ibalik natin ang tingin natin sa tunay na pagmumulan ng pag-asa at pagkakaisa sa buhay natin bilang Pilipino at bilang isang mundo ang Panginoong Hesus.” ani Fr. Magdurulang.

Matatandaang ipinagpaliban ng tatlong taon ang nakagawiang Traslacion ng poon mula sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church dahil sa mga panuntunang ipinatupad ng gobyerno sa COVID 19 pandemic subalit nitong Enero 2023 ay isinagawa ang Walk of Faith na dinaluhan ng halos 100, 000 deboto.

Ang kapistahan ng Poong Jesus Nazareno ang isa sa mga tampok na debosyon at pista sa Pilipinas na dinadaluhan ng milyong-milyong deboto mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,639 total reads

 14,639 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 72,972 total reads

 72,972 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,339 total reads

 158,339 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,075 total reads

 205,075 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 252,946 total reads

 252,946 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,357 total reads

 353,357 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top