Igalang ang mga nakahimlay, panawagan ni Archbishop Palma sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,299 total views

Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mamamayan na magtulungang panatilihing maayos ang paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa All Souls Day sa November 2 gayundin sa All Saints Day sa November 1 kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa sementeryo upang dalawin ang mga pumanaw na kaanak.

Binigyang diin ni Archbishop Palma na dapat bigyang paggalang ang mga nakahimlay at ipanalangin ang kapayapaan ng kaluluwa.

“Observe proper respect sa mga nakahimlay sa mga sementeryo. Let us keep peace and order, stay prayerful but nothing harmful.” bahagi ng mensahe ni Archbishop Palma.

Tiniyak naman ng Philippine National Police ang pagbabantay sa seguridad ng mga mamamayan lalo’t kasabay ng pagdiriwang ang long weekend.

Mahigit sa 27, 000 police personnel ang itinalaga ng PNP sa buong bansa na titiyak sa kaligtasan at kaayusan ng pamayanan bukod pa sa halos 200-libong itinalaga sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30.

Apela ng pamahalaan sa mamamayan na panatilihin ang kaayusan sa pagdalaw sa puntod ng mga yumaong kaanak kabilang na ang kalinisan ng kapaligiran.

Mahigipit na ipinagbabawal sa loob ng mga sementeryo ang mga vendor, nakalalasing na inumin, mga sugal, videoke o kahit anong uri ng sound system gayundin ang mga baril at patalim.

Naglabas naman ang mga simbahan ng kopya ng panalangin na maaring gamitin ng mga kaanak sa pagdarasal sa kanilang pagdalaw sa mga sementeryo tulad ng ipinamahagi ng Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng RCAM Liturgical Affairs.

Magsagawa naman ng Banal na Misa ang mga parokya sa bansa para gunitain ang mga yumaong mahal sa buhay gayundin sa mga lugar na may Catholic cemetery kung saan bukod sa misa ay magkaroon din ng pagbabasbas sa mga puntod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,732 total views

 49,732 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,601 total views

 45,601 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,803 total views

 81,803 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,445 total views

 90,445 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,565 total views

 115,565 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top