Pagiging ganap na international shrine ng Antipolo cathedral, pinaghahandaan ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,226 total reads

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Diocese ng Antipolo sa gaganaping pagdiriwang sa deklarasyon bilang International Shrine ng National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o mas kilala bilang Antipolo Cathedral.

Ang Antipolo Cathedral ay ang kauna-unahan international shrine ng Pilipinas, ikatlo sa Asya at pang-11 naman sa buong mundo.

Ang kautusan ng Santo Papa sa pagkilala bilang international shrine ay nagsimula noong March 25, 2023 habang itinakda naman ang pagtatalaga sa January 26 ng susunod na taon.

Sa ginawang Pastoral visit-on-the-air, sinabi ng obispo na kabilang sa kanilang paghahanda ay ang pagpapakilala at pagpapalago ng debosyon sa Mahal na Ina, sa loob at sa labas ng bansa.

“Dapat mong ipakilala ang iyong Ina, ipagmalaki mo ang iyong ina. And we go out, within the country to bring the Blessed Mother ang Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje so that there in the dioceses saka mga companies sila ay magnovena, sila ay mamintuho sa ating Mahal na Ina. Tulad ng ginagawa ngayon ng ating rector Fr. Nante (Fr. Reynante Tolentino) at mga kasamahan nagdadala ng imahen sa ibang bansa.” ayon pa kay Bishop Santos.

Habang nagpapatuloy din ang mga programa sa katedral at mga nasasakupang parokya- ang Hapag ni Maria.

Ang Hapag ni Maria ay hindi lamang feeding program kundi ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mahihirap na magkaroon ng sariling pagkakakitaan, gayundin ang pagpapaaral sa mga kabataan.

“At gaya ng sinabi natin, hindi lamang natin sila papakainin kundi sila ay ating bubuhayin- ibig sabihin hindi lamang bubusugin, palalakasin bagkus buhay na buhay na kung saan with recognition of their human person with dignity. Buhay na buhay, bigyan natin ng dignity of labor tutulungan natin sa kanilang pagtatrabaho, bigyan ng means at bigyan ng damit. At yung mga anak na tinitingnan natin na kahit sa kabila ng lahat ay pag-aralin.” ayon kay Bishop Santos.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 16,345 total reads

 16,345 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 75,795 total reads

 75,795 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 161,162 total reads

 161,162 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 207,898 total reads

 207,898 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 255,769 total reads

 255,769 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 356,025 total reads

 356,025 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top