Mga Filipino, hinimok na maging bukas sa pagtanggap ng mga dayuhan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 523 total reads

“I was a stranger and you welcome me.”

Ito ang mga kataga ni Hesus na ibinahagi ni Msgr. Esteban Lo, LRMS – Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Mission at Episcopal Vicar for Foreign Communities, sa paglulunsad ng Share the Journey Migrants Campaign sa Archdiocese of Manila noong September 27, 2017.

Ayon kay Msgr. Lo, bilang isang Kristiyano, nawa ay maging palakaibigan at maging bukas ang mga Filipino sa pagtanggap sa mga dayuhang walang pamilya o itinuturing na bagong salta sa isang lugar.

“Wala silang masyadong mga kaibigan o walang masyadong mga opportunities. So bilang mga Kristiyano nawa ay maging friendly tayo sa kanila. Of course nung maliit tayo sinabihan tayo don’t talk to strangers pero sabi din ng Panginoong Hesus, I was a stranger and you welcome me so we have to strike a balance somewhere. ” pahayag ni Msgr. Lo sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Msgr. Lo, marami ding mga Filipino ang umaalis ng bansa upang makipagsapalaran sa ibayong dagat kaya naman marapat lamang na tratuhin natin ng maayos ang mga dayuhan sa Pilipinas, upang ganito din ang maging pagtrato sa mga Filipino sa ibang bansa.

“To be friendly, to be supportive, to be helpful to the migrants, local migrants in our midst and specially among the foreign migrants na galing pa sa ibang bansa dapat nating alalahanin na madami ding Filipino na migrants sa ibang bansa so sana kung gusto nating i-welcome ang mga Filipino migrants sa ibang bansa, i welcome din natin ang mga foreign migrants dito sa atin, [let us] do unto others what you like others to do unto you,” dagdag pa ng Pari.

Samantala, bukod sa pagsasabuhay ng mga Katoliko sa Share the Journey Migrants Campaign, naniniwala si Mgr. Lo na maipalalaganap din ang “Culture of Encounter” na kaakibat ng kampanya sa mga taong may ibang pananampalataya, dahil aniya, ang bawat tao, Kristiyano man o hindi ay may kabutihang taglay sa kanilang mga puso.

Batay sa pag-aaral ng United Nations High Commissioner for Refugees sa nakalipas na dalawang dekada ay malaki ang nadagdag sa bilang ng mga taong napipilitang umalis mula sa kanilang mga tahanan, at noong 2016, mahigit 65.6 na milyong indibidwal sa buong mundo ang naitalang mga lumilikas dahil sa patuloy na kaguluhan.

Marami sa mga ito ay nagmula sa mga lugar na Syria, Iraq, Yemen, Sub-Saharan Africa, Burundi, Central African Republic, Democratic Republic of the Congo, South Sudan at Sudan.

Sa Pilipinas, batay sa huling pagtataya ng Internal Displacement Monitoring Center noong 2015 ay umaabot sa 119,000 indibidwal ang umaalis mula sa kanilang mga tahanan dahil sa digmaan.

Kabilang na dito ang humigit kumulang 2,000 mga Lumad na kamakailan ay nagsagawa ng Manilakbayan upang ipabatid sa publiko ang ginagawang pang-aabuso at pagpapalayas sa kanila mula sa kanilang lupaing minana.

 

(Yana Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 7,136 total reads

 7,136 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 42,355 total reads

 42,355 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,839 total reads

 78,839 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 97,050 total reads

 97,050 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,995 total reads

 180,995 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,362 total reads

 378,362 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top