Simbahan, tungkulin ang maging sanctuary ng whistleblowers.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 594 total reads

Magpapatuloy ang Simbahan bilang Sanctuary ng mga nangangailangan ng tulong at kalinga.

Ayon kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz, matagal na itong gawain ng Simbahan lalo na sa mga taong inaakalang walang kasalanan subalit napaparatangang nagkasala.

Sinabi ng Arsobispo na hindi ito ang unang pagkakataon na naging kanlungan ang Simbahan sa mga inuusig at maling pinaparatangan.

“Ang Simbahan ay noon pa ‘middle ages’ meron na po siyang sinusunod na sinasabing ‘right to sanctuary’. Ibig sabihin karapatan para humingi ng pagtatanggol o pagkukubli. At ang binibigyan ng right to sanctuary ‘yung inaakala ng taong simbahan na walang kasalanan, na inosente naman kaya lang accused ng mga paratang mali. So matagal na. Noong ako man ay lumaban sa jueteng, nagbibigay din ako ng sanctuary sa mga whistleblowers,” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag ni CBCP President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sinabi nitong may isang pulis na humihingi ng tulong sa simbahan upang isiwalat ang kaniyang nalalaman hinggil sa ‘quota’ o pagpaslang sa mga hinihinalang adik.

Sa Diocese of Caloocan, humingi rin ng pagkukubli sa simbahan ang ilang mga testigo sa pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos na pinaslang ng mga pulis.

Una na ring umani ng batikos ang pamahalaang Duterte sa kanilang giyera kontra droga dahil sa pagpaslang sa estudyanteng si Delos Santos na kabilang sa 30 kabataan na napatay sa Caloocan dahil sa operasyon kontra droga.

Sa loob ng dalawang taong kampanya ng pamahalaan kontra droga, may higit na sa 13-libo ang napapatay na iniuugnay sa ilegal na droga kabilang ang may 4,000 katao na namatay sa ginawang police operations.

At bilang tugon naman ng simbahan sa pagsugpo ng ilegal na droga, bumuo ang ang iba’t-ibang Simbahan ng community based rehabilitation sa mga drug dependent na nais na magbago na higit sa binibigyang diin ang pagpapatibay ng kanilang pananampalataya.

Ang Archdiocese of Manila ay may Sanlakbay Tungo sa Pagbabagong Buhay ay may higit na sa 20 mga simbahang may community drug rehabilitation mula sa kabuuang 94 na parokya.

Read: Misa ng pasasalamat sa 100-graduates ng church drug rehab, pangungunahan ni Cardinal Tagle

Read: Simbahan bukas ang pintuan sa mga nangangailangan ng tulong

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,170 total reads

 59,170 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,269 total reads

 138,269 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,714 total reads

 171,714 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,012 total reads

 207,012 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,134 total reads

 431,134 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top