Mga guro, tunay na bayani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,160 total reads

Inihayag ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos na dapat suportahan at kalingain ang mga guro bilang pagkilala sa kanilang paglilingkod sa lipunan.

Sinabi ni Bishop Santos na Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na bilang pangalawang magulang ay malaking responsibilidad ang ginagampanan ng mga guro sa paghubog sa pagkatao ng mga kabataan.

“Our teachers deserve our affection and admiration for their sacrifices and services for our young people,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Santos na nararapat mabigyan ng maayos na lugar ang mga guro sa paaralan kung saan maaring magpahinga at magsagawa ng kanilang mga pang araw-araw na gawain tulad ng pagsuri sa output ng mga estudyante.

Ito ang tugon ng Obispo sa sitwasyon ng ilang guro na ginawang faculty room ang mga palikuran dahil sa kakulangan ng silid sa mga eskwelahan.

Kamakailan, ay nag-viral ang post ni Maricel Herrera isang guro ng Bacoor National Highschool kung saan ipinakita sa publiko sa pamamagitan ng social media ang pagkadismaya dahil sa kakulangan ng sapat na pasilidad para sa mga guro.

Binigyang diin naman ni Bishop Santos na karapatan ng bawat guro ang maayos na silid pahingahan kapalit ng kanilang maghapong pagtuturo at paggabay sa mga bata.

“With their vocation of teachings they mould them to be future leaders, transforming them to be useful and responsible citizens of country; all support should given to them, providing conducive atmosphere for their inspired teachings,” ani ng Obispo.

Batay sa tala ng Department of Education halos isang milyong mga guro ang naglilingkod karamihan sa pampublikong paaralan kung saan sinisikap na ahensya na maipatupad ang 1 guro sa bawat 35 mga estudyante.

Iginiit naman ni Bishop Santos na ang pagbibigay ng mga pasilidad para sa mga guro ay pagpapakita ng pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo na magiging katuwang ng mga magulang sa paghubog ng talento, kakayahan at pagkatao ng mga kabataan.

“Providing comfortable living conditions, appreciative remarks are our tangible expressions of our gratitude to them and their encouragement to give their best to the schools,” saad pa ni Bishop Santos.

Bukod sa maayos na pasilidad mahalaga ring mabigyan ng wastong pasahod at benenipisyo ang mga guro batay na rin sa ensiklikal na Laborem Exercens ni Saint John Paul II na nakatuon sa pagpapahalaga sa bawat manggagawa sa pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,492 total reads

 17,492 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,522 total reads

 54,522 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,792 total reads

 280,792 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,259 total reads

 174,259 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,356 total reads

 267,356 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top