VeritasPH

The Word, The Truth

Mga Herodes sa loob ng tahanan

SHARE THE TRUTH

 186 total views

Mga Kapanalig, inilarawan ni Pope Francis ang tumataas na bilang ng mga kaso ng domestic violence o pang-aabuso sa loob ng tahanan bilang “almost satanic”, halos gawain ng demonyo. Sinabi niya ito sa isang panayam noong isang linggo kung saan kasama niya ang isang babaeng biktima ng domestic violence na umalis sa poder ng kanyang mapanakit na asawa ngunit ngayon ay walang hanapbuhay at tirahan.

Bakit daw ito “satanic”? Paliwanag ng Santo Papa, ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga babae at kanilang mga anak ay nagpapakita ng pagsasamantala sa kahinaan ng mga taong hindi kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Kahiya-hiya ito, dagdag pa niya.

Dahil sa pandemya, napilitan tayong manatili nang mas matagal sa ating mga bahay, at sa ganitong mga pagkakataon, nagiging target ng iba’t ibang porma ng pananakit at pang-aabuso ang mga misis at ang mga musmos. Matindi na nga ang epekto sa kalusugan ng kanilang isip (o mental health) ang mga pagbabawal sa paglabas at pagpunta sa mga lugar kung saan sila makapagpapahinga at makapaglilibang, nakadadagdag pa ang pisikal at emosyonal na sakit na dala ng karahasang ginagawa ng mismong mga kapamilya ng mga babae at bata. Wala pa man ang pandemya, tatlo sa limang batang Pilipino ang nakaranas ng physical at psychological violence, habang isa sa lima naman ang sekwal na inabuso. Mula ang mga datos na ito sa National Baseline Study on Violence Against Children na ginawa noong 2016.

Lumalabas naman sa latest na ulat ng gobyerno na bumaba pa ang bilang ng mga naitatalang kaso ng domestic violence sa mga unang buwan ng pandemya. Bumaba raw nang mahigit 50% ang mga nai-report sa mga Women and Children Protection Units. Ngunit hindi nito nangangahulugang bumaba ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso at pananakit sa loob ng mga tahanan. Dahil sa mga restrictions nga sa paglabas ng mga tao, hindi na lang nagpupunta ang mga biktima sa mga kinauukulan upang mag-report at humingi ng tulong. Gayunman, nangangailangan ng masusing pag-aaral at pangangalap ng datos upang malaman kung gaano kalawak at katindi ang problemang ito sa ating bansa.

Sa isang survey naman na ginawa ng NGO na Oxfam Pilipinas, lumabas na 3% lamang ng mga kalahok ang nagsabing mayroon silang access sa mga tinatawag na gender-based violence desks. Sa mga ito maaaring dumulog ang mga biktima ng karahasan, ngunit dahil sa pandemya at mga kalamidad katulad ng bagyo, maraming babaeng biktima ng domestic violence ang nawalan ng access sa mahalagang serbisyong ito. Lumabas din sa survey na halos kalahati ng mga lumahok ang nagsabing wala naman silang nalalamang maaaring mapuntahan para sa suporta sakaling sila o ang kakillala nilang babae ay mabiktima ng pang-aabuso.

Sa tindi ng krisis na dala ng pandemya, nakakaligtaan na natin ang iba pang hirap na nararanasan ng mga kapatid nating ayon nga kay Pope Francis ay walang kakayanang ipaglaban ang kanilang mga sarili. Ang mas nakalulungkot, nangyayari ang pang-aabuso at pananakit sa kanila sa loob ng bahay, sa lugar kung saan sila dapat nakararamdam na sila ay ligtas at kinakalinga.

Mga Kapanalig, ginugunita natin ngayon sa Simbahan ang pagiging martir ng mga sanggol na ipinapatay ni Herodes dahil sa takot sa pagdating ni Hesus. Kakila-kilabot ang pagsasalaysay tungkol dito sa Mateo 2:1-18. May mga Herodes din sa loob mismo ng ating mga tahanan. Sila ang mga taong ang turing sa mga babae at bata ay mga pag-aaring pwedeng saktan. Huwag nating ipikit ang ating mga mata kapag may malaman tayong kaso ng pangmamaltrato sa mga babae at bata sa ating komunidad. Huwag tayong magdalawang-isip na tulungan sila at ipadamang hindi sila pinapabayaan ng Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,320 total views

 11,320 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,305 total views

 19,305 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 26,841 total views

 26,841 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 42,826 total views

 42,826 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 50,870 total views

 50,870 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 11,321 total views

 11,321 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 19,306 total views

 19,306 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 26,842 total views

 26,842 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 42,827 total views

 42,827 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 50,871 total views

 50,871 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,964 total views

 45,964 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,389 total views

 44,389 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,175 total views

 46,175 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,100 total views

 43,100 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,414 total views

 57,414 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,104 total views

 61,104 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,707 total views

 59,707 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,694 total views

 69,694 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,662 total views

 73,662 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,549 total views

 84,549 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top