Pondo ng Pinoy, kaagapay ng mahihirap at kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,390 total reads

Misyon ng Pondo ng Pinoy katuwang ang simbahang katolika na tulungan ang mga mahihirap at higit na nangangailangan.

Ito ang isa sa mga mensahe ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ngayong Pasko.

Inihayag ni Cardinal Advincula na tulad ng pagkakatawang tao ni Hesus ay kasama ng bawat bata at kabataan sa krisis ang simbahan at ang Pondo ng Pinoy.

“Ang Pondo ng Pinoy ang kaagapay ng kabataan tungo sa Simbahang naglalakbay, tungo sa Simbahang kasama lahat- lahat, tungo sa Simbahang tahanan na maaring uwian ng mga bata at kabataan na nagugutom, napapagod, nawawalan ng pag-asa, nasasaktan, at nangungulila. Dumating si Hesus si ating mundo bilang Emanuel, nagpakita ang Diyos sa sanlibutan sa anyo ng sanggol, mahina at maliit,” ayon sa Video Message ni Cardinal Advincula.

Tiniyak ng Cardinal Advincula na kaisa ng sanlibutan ang Diyos lalu sa panahong nawawalan tayo ng pag-asa.

“Paalala sa atin na kasama natin ang Diyos lalu na sa mga panahong tila wala na tayong lakas, wala na tayong pag-asa at wala tayong kalaban-laban – ito ang mabuting balita sa atin ngayong Pasko,” ayon pa sa Arsobispo

Sa pamamagitan rin ng mga isinasagawang synod on youth ng ibat-ibang parokya ay lubos na napabatid sa simbahan ang mas malaki pang suliranin.

Ito ay sa pagkaranas ng mga kabataan ng ibat-ibang uri ng paniniil katulad ng diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.

“Many of our children and young people are hurting, the group discussions and preparation for the synod on the youth yielded this observation, the young carry ones, they are the ones of the defeats they have suffered frustration to decide, experiences of discrimination and injustice, of that feeling loved or recognize,” pagpapabatid ng Arsobipo.

Umaapela si Cardinal Advincula sa bawat isa ng mas mahabang pasensya sa pagtulong at pagkakaroon ng mga inisyatibo na magiging daan upang mapalapit ang mas marami pang kabataan sa Panginoon.

“Huwag natin silang susukuan, huwag tayong mapapagod sa pag-unawa at pagbibigay ng pag-asa sa kanila dahil sa pagmamalasakit natin, gagaling ang mga bata at kabataang sugatan dahil pinili nating ilapit sila kay Hesus, tuwing may ilalapit kay Hesus may gumagaling, may nabubusog, may himala,” ani Cardinal Advincula.

Taong 2004 nang ilunsad ng noo’y Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang Pondo ng Pinoy na hinihikayat ang mga Katoliko upang magtipon ng bente singko sentimos na siyang naging daan sa maraming proyekto ng Simbahang Katolika.

Sa pinakahuling pag-uulat, ngayong 2021 ay umaabot na sa 13-milyong piso ang nalikom ng Pondo ng Pinoy sa kabila ng pananatili ng pandemya.

Ang mga nalikom ng Pondo ng Pinoy ay ginamit sa livelihood, scholarship, feeding programs, at maging sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 23,423 total reads

 23,423 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 121,950 total reads

 121,950 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 166,221 total reads

 166,221 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 189,330 total reads

 189,330 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 263,235 total reads

 263,235 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 26,194 total reads

 26,194 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top