Mga kandidato sa pagkapangulo, iwas-pusoy sa repormang agraryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total reads

Nabitin o nakulangan si dating CBCP President at Arsobispo Emerito ng Lingayen Dagupan, Archbishop Oscar Cruz sa huling presidential debates.

Inihayag ni Archbishop na hindi nabanggit ng mga presidentiables sa kanilang huling debate ang matagal nang inaasam ng mga magsasaka sa tunay na implementasyon ng repormang agraryo sa bansa.

Binigyan diin ni Archbishop Cruz na hindi lamang irigasyon ang solusyon sa problemang kinakaharap ng mga magsasaka na siyang pangunahing ipinangako ng mga kandidato sa pagka – pangulo.

Nakikita ni Archbishop Cruz na ang puno’t dulo ng paghihirap ng mga magsasaka sa bansa ay pagpapanatili ng (feudalism o pyudalismo) kung saan patuloy na pinag-aarian o kinukontrol ng iilang panginoong maylupa ang hekta-hektaryang lupain sa bansa.

“Hindi ko narinig sa debate yung genuine agrarian reform. At reporma yung talagang ipamigay yung lupa dun sa mga agrarian beneficiaries at siyempre kasama diyan yung patubig at kasama diyan siyempre yung clean power generation. Ito pong hindi nabanggit na hindi ko narinig. Yun pa naman ang programang kauna – unahang inilunsad noong Martial Law pagkatapos hanggang ngayon naghihintay pa,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabatid na tinatayang 7.8-milyong hektarya ng lupain ang sakop ng Comprehensive Agrarian Reporm Program.

At batay sa ulat ng Malakanyang noong Disyembre 31, 2013 nakapamigay na ng 6.9 milyong ektarya ng lupa ang pamahalaan, katumbas ng 88% ng kabuuang lupa sa ilalim ng CARP.

Samantala, iniulat ng Bureau of Agricultural Statistics noong 1991 na 9,500 panginoong maylupa lamang ang nagmamay-ari sa halos 21 porsyento ng kabuuang lupaing agrikultural ng Pilipinas.

Habang, mahigit dalawang milyong magsasaka, na nagmamay-ari lamang ng kulang sa tatlong ektarya bawat isa, ang nagsisiksikan at naghahati-hati sa 18.5 porsyento ng lupaing agrikultural.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 28,884 total reads

 28,884 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 115,203 total reads

 115,203 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 161,942 total reads

 161,942 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 209,814 total reads

 209,814 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 312,351 total reads

 312,351 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 312,444 total reads

 312,444 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,751 total reads

 418,751 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top