Mga katekista, inihalintulad kay San Lorenzo Ruiz

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,037 total reads

Pinuri ng Rector ng Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz o Binondo Church ang mga katekistang patuloy na naglilingkod sa simbahan sa kabila ng nagaganap ngayong krisis pangkalusugan.

Sa pagninilay ni Rev. Fr. Andy O. Lim, kura paroko ng Binondo Church sa Kapistahan ni San Lorenzo Ruiz de Manila sa ika-28 ng Setyembre, pinasalamatan nito ang mga katekistang katulad ni San Lorenzo Ruiz ay patuloy na naglilingkod at nagtuturo bilang katuwang ng simbahan sa kabila ng mga nagaganap ngayon sa kapaligiran.

“Magandang magpasalamat at marapat magpasalamat sa ating mga katekista tulad ni San Lorenzo, tahimik na naglilingkod, tahimik na nagtuturo. Katuwang ng simbahan, katuwang ng mga pari.”, pagninilay ni Fr. Lim

Inihambing pa ng pari ang buhay ng mga katekista sa naging tungkulin ni San Lorenzo Ruiz, na bagamat hindi napapansin ay nananatiling nandiyan upang maglingkod, magturo at mangaral ng mabuting balita ng Panginoon.

“Hindi man napapansin ang mga katekista, pero nananatiling nandyan sila para maglingkod, magturo, mangaral ng mabuting balita. At ‘yan ang naging buhay ni San Lorenzo noong panahon na ‘yun marahil hindi siya masyado napapansin subalit tahimik na naglingkod, tahimik na nagturo.” Pahayag ng pari

Hiniling din ni Fr. Lim para sa mga katekista ang patuloy na pagpapala at kalakasan mula sa Diyos sa pamamagitan ni San Lorenzo Ruiz.

“Kaya salamat po sa lahat ng mga katekista natin ‘di lamang sa Archdiocese of Manila, sa lahat ng sulok ng bansa at nasa ibang bansa man. Sila ang matiyaga na mangaral [at] magpasensya sa mga bata. Patuloy nawa kayong pagpalain at palakasin ng Diyos sa pamamagitan ni San Lorenzo Ruiz.”pasasalamat ni Fr.Lim

Ngayong taon, ipinagdiriwang ang ika-383 anibersaryo ng pagiging martir ni San Lorenzo Ruiz; ngayong taon din gugunitain ang ika-33 taon ng pagkakahirang nito bilang pinaka-unang Pilipinong Santo ng noo’y Santo Papa, St. John Paul II.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 30,801 total reads

 30,801 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 65,548 total reads

 65,548 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 121,954 total reads

 121,954 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 243,940 total reads

 243,940 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 177,147 total reads

 177,147 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top