Mga Layko, inanyayahang isabuhay ang pulitika sa paraan ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total reads

Hinimok ng Arsobispo ng Maynila ang mananampalataya na ugaliing isama si Hesus sa bawat paglalakbay ng buhay upang makamit ang minimithi.

Sa pagninilay ni Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle sa Banal na Misa bilang pagsimula sa Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS), pinaalalahanan nito ang bawat isang dumalo na maging aktibo sa pangangalaga ng Sambayanan tulad ng mga halimbawa ni Hesus.

“Pasakayin si Hesus sa mundo ng pulitika, ang kanyang salita, at mga halimbawa ang paiiralin at makararating tayo sa ating papupuntahan,” bahagi ng pagninilay ni Kardinal Tagle.

Ang pagninilay ng arsobispo ay nakatuon sa nalalapit na halalan sa ika – 13 ng Mayo kung saan ipinaliwanag nito ang tunay na kahulugan ng ‘politics’ o ‘polis’ sa salitang Griyego na ibig sabihin ay komunidad, pamilya o bansa.

Paliwanag ni Kardinal Tagle, napakaganda ang tunay na kahulugan ng pulitika–ang pangangalaga sa sambayanan, nagbubuklod sa bawat mamamayan na magbubunga ng pagkakaisa at kapayapaan.

“Kapag tunay ang pag-aalaga, kapag pag-ibig ang namamayani, kapag kabutihan ng iba at ng pangkalahatan ang inuuna napakaganda ng buhay pulitika,” dagdag ng Kardinal.

Ikinalungkot pa ng Arsobispo na ang biyaya ng ‘politics’ na iginawad ng Diyos ay nagagamit sa hindi mabuting pamamaraan sa halip na pagkakaisa ng mamamayan ay nagdulot ito ng kasiraan at pagkakawatakwatak sa lipunan.

Aniya, ang pulitika sa kasalukuyan ay ginagamit sa pambabanta sa buhay ng iba, napasukan ng korapsyon na sumisira hindi lamang sa institusyon kundi sa mamamayang nasasakupan.

Dahil dito, umaasa si Kardinal Tagle na manumbalik sa bawat isa ang tunay na kahulugan ng pulitika na naglalayong mabigyang kapayapaan at pagkakaisa ang pamayanan.

“Sana manumbalik, sana ma-discover ulit ang daan ng buhay pulitika, bilang daan ng kapayapaan sa ibat ibang ‘polis’ o komunidad,” ani sa pagninilay ng Kardinal.

Nagkaisa ang mga lider ng Simbahang Katolika sa pagbibigay gabay sa mananampalataya hinggil sa nalalapit na halalan dahil nasa mamamayan ang kapangyarihan na makamtan ang pagbabago sa lipunan.

Hinikayat din nito ang bawat nakilakbay sa pulitika na maging marangal at maging instrumento ng kapayapaan sa bawat komunidad na pamumunuan.

Sa tala ng Commission on Elections (Comelec) mahigit sa 60 milyong Filipino ang inaasahang boboto sa ika-13 ng Mayo kung saan 20 milyon dito ay mga kabataan na itinuturing na kasalukuyan ng Simbahan at kinabukasan ng ating bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 12,213 total reads

 12,213 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 98,687 total reads

 98,687 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 136,060 total reads

 136,060 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 167,320 total reads

 167,320 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 239,567 total reads

 239,567 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top