Mga Layko, pinuri ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 964 total reads

Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang malaking tungkulin ng mga layko sa paglago ng simbahang katolika.

Ayon kay CBCP Office on Stewardship Chairman Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, ginagampanan ng mga layko ang pagiging tagapagpahayag ng mabuting balita sa mga pangkaraniwang gawain sa lipunan.

Umaasa si Bishop Pabillo na pagsumikapan ng bawat layko na dalhin si Hesus sa mga komunidad upang higit na maipakilala sa sangkatauhan.

“Sana itong mga layko ay maging conscious sa pagsasabuhay at pagpapahayag ng kanilang pananamapalataya kung nasaan sila lalo na sa kanilang mga pamilya,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng opisyal ang kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas sa National Laity Week na nagsimula noong September 24 hanggang October 1.

Tema ng National Laity Week 2022 ay “Journeying together and reflecting together on the journey that has been made: Communion, Participation and Mission” na hango sa panawagan ng Santo Papa Francisco na Synod on Synodality.

Ayon naman kay Novaliches Bishop Roberto Gaa kung magbuklod ang mga layko sa pagkilos ay magiging matatag at lalago ang simbahang katolika sa Pilipinas.

“Kung ang 99-percent na mga layko ay magiging aktibo, nakikilahok, at nagmimisyon ay doon makikita ang lakas ng layko at pag-unlad ng simbahan,” ani Bishop Gaa sa panayam ng himpilan.

Layunin sa taunang paggunita ng National Laity Week na mabigyang kamalayan ang mga layko sa misyong ebanghelisasyon ng simbahan.

Pangunahing tagapagsulong ng programa ng mga layko ang Sangguniang Layko ng Pilipinas – implementing-arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity (ECL) na binubuo ng higit sa 50-organisasyon ng Simbahan Katolika sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 47,982 total reads

 47,982 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 95,853 total reads

 95,853 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 199,801 total reads

 199,801 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 285,915 total reads

 285,915 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 353,737 total reads

 353,737 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top