Mga Migranteng Muslim

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,638 total views

Mgab Kapanalig, ang mahal na Santo Papa ay muli na namang nag pamalas ng isang napakagandang aral nang siya ay tumungo sa isla ng Lesbos sa bansang Greece. Dinalaw niya ang mga migrante na nasa isang “refugee camp.”
Doonsa Lesbos ay nakisalamuha siya sa mga migranteng mula sa Syria, silang mga lumisan dahil sa panganib sa kanilang buhay at ngayo’y naghihintay na may bansang tatanggap sa kanila. Sa pag-uwiniyamulasa Lesbos, isinama ni Pope Francis ang tatlong pamilyang Muslim, kabilang sa kanila ang anim na bata, upang sila ay bigyan ng bagong tahanan sa Roma, doon mismo sa Vatican kung saan naninirahan ang Santo Papa. Nang tanungin ang Santo Papa kung bakit mga pamilyang Muslim, at hindi mga Kristiyano, ang kanyang isinama pauwisa Roma, sinabi niyang bukod sa maayos ang kanilang mga dokumento,ang iisang pamantayan lamang naman ay ang pagiging anak ng Diyos.
Sa mga wika ng ito ng Santo Papa, mga Kapanalig, tayo ay pinaaalalahanan naanuman ang relihiyon o paniniwala ng tao, siya ay anak ng Diyos at nararapat nabigyan ng pagkakataongmabuhay nang marangal at malaya. Ang ginawang ito ng Santo Papa ay talaga namang katangi-tangisa pagkatsa buong Europa ngayon ay patuloyang debate kung dapat pa bang tumanggap ang kanilang mga bansa ng mga migrante lalo nang mga Muslim na nagmulasa Syria. Matapos ang mga pagsabog sa Paris at sa Brussels kamakailan,nakinasawi ng maraming tao at pinaniniwala ang gawa ng grupong ISIS, marami ang nagtutulak na maghigpit ang kanilang gobyerno sa pagtanggap ng mga migrante. Kaya’t ang ginawang pagsama ng Santo Papa ng mga pamilyang Muslim upang manirahansa Vatican ay maituturing na pagtutol sa pananaw naisaraang pinto ng Europa sa mga migranteng Muslim.

Ang ama ng isa sa tatlong pamilyang Muslim naisinama ng Santo Papa ay nilisan ang Syria kasama ng kanyang asawa at dalawang taong gulang na anak.Inutusan daw kasi siyang pumatay ng mga kalaban ng kanilang pinunona si Pangulong Assad. Hindi raw siya papatay para sa pangulong bansa. Dahil ayaw niyang pumatay ng kanyang kapwa, minabuti niyang lisanin ang kanyang bayan kahit malagay sa panganib ang sarili niyang buhay, pati na ang buhay ng kanyangp amilya. Siya ay isang Muslim na,gaya ng isang Kristiyano, ay nagpapahalaga sa buhay ng tao.

Mga Kapanalig, nakalulungkot na sa bansa natin ngayon, tila marami ang nakakalimot sa napakahalagang turo ng ating Simbahan na ang sangkatauhan ay iisaang Ama, na anglahat ng tao ay anak ng Diyos.

Nariyan ang mga naghuhusga sa mga kapatid nating mga Muslim at itinuturing silang lahat bilang mga terorista. Nariyan din naman ang mga nag-iisip,lalo na sa panahon ng nalalapit na eleksyon,na mas mabuti raw ang mga pinunong handang pumatay kung ang pinapatay naman daw ay kriminal.Nakakalungkot at mapanganib, mga Kapanalig,ang paglaganap ng ganitong kaisipan. Labag na labag ito sa turo ni Hesus at ng ating Simbahan.

Ang ginawa ng Santo Papa, mga Kapanalig, ay isang pagpapakita na ang ating pananampalataya sa isang maawain at mapagpalang Ama ay hinahamon tayong huwag mag pabulag at magpakulong sa mga bagay na naghihiwalay sa atin sa ating kapwa. Ang isang Muslim naminabuti pang ilagay sapanganib ang kanyang buhay sa halip na sundin ang isang utos na pumatay ng tao ay maaring higit na maka-Kristiyano ang pag-iisip kaysa sa mga banyagang dinadakila ang mga lider na pumapatay nang walang paglilitis.
Sagrado ang buhay ng tao, sinuman siya, anuman ang kanyang pananampalataya, anuman ang kanyang nagawa. Ito ang batas ng Diyos nakailanma’y hindi dapat ipagpalit sa anumang batas ng tao.
Sumainyo ang katotohanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 41,186 total views

 41,186 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 84,794 total views

 84,794 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 168,510 total views

 168,510 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 182,609 total views

 182,609 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 40,187 total views

 40,187 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 248,188 total views

 248,188 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top