Mga Pari, nangangailangan din ng counseling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,138 total reads

Ang mga Pari ay mga tao din na nakararanas ng matinding lungkot at pagod lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang ibinahagi ni Diocese of Novaliches Bishop Roberto Gaa sa kanyang Pastoral Visit On-Air sa himpilan ng Radyo Veritas kaugnay sa pangangalaga maging sa kapakanan ng mga Pari sa gitna ng malawakang krisis pangkalusugan na dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Obispo, mahalagang magkaroon din ng kamalayan ang mamamayan at mga lingkod ng Simbahan sa tamang pangangalaga sa sarili sa gitna ng iba’t ibang mga malulungkot at masasamang nangyayari sa pamayanan.

Paliwanag ni Bishop Gaa, dapat ring tugunan ang pangangailangan ng mga Pari sa counseling sapagkat tao lamang din ang mga lingkod ng Simbahan na nakararamdam ng pagod at lungkot dahil sa mga nagaganap sa lipunan.

“Sana ay meron tayong expert to initiate yung awareness na kailangan alagaan din natin ang sarili natin tapos magandang pag-usapan sa iba’t ibang lebel pag-usapan sa level ng ministry, pag-usapan sa level ng vicariate kung talagang kailangan pang o marahil yung tama ng lungkot at pagod. Pwede ding mag-approach for counseling kasi kailangan din talaga parang hindi naman mga superman ang mga Pari talagang hindi napapagod o hindi na sila tao, tao pa rin ang mga Pari. Magandang makita na tugunan din ang mga ganyang klaseng pangangailangan.” Ang bahagi ng pahayag ni Novaliches Bishop Roberto Gaa sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ng Obispo, isa sa pinagmumulan ng lungkot, pagod at stress ng mga Pari ay ang pagiging malapit sa kanilang mga parokyano na dahilan upang lubos na maapektuhan ang mga ito sa pagkakasakit o pagkamatay ng bawat isa dahil sa epekto ng COVID-19 virus.

Giit ni Bishop Gaa, mahalaga rin ang kaalaman sa pangangalaga sa sarili ng mga Pari at iba pang lingkod ng Simbahan sapagkat tulad ng bawat isa ay mayroon din ilang mga problema na bukod sa pagdarasal ay kinakailangan ring harapin upang masolusyunan.

“Importante na marunong kang pangalagaan ang sarili mo kasi tao pa rin tayo meron tayong mga trauma na pinagdaanan dati, meron tayong pang-taong pangangailangan, meron tayong mga problema na pinagdadaanan na minsan ay hindi rin nakukuha sa dasal or kapag dinaan lang natin sa dasal na hindi natin hinaharap sa tamang solusyon ay baka lalong lumalim lang.” Dagdag pa ni Bishop Gaa.

Paglilinaw ng Obispo, hindi kasakiman ang pag-aalaga sa sarili lalo na ng mga lingkod ng Simbahan upang makapaglingkod ng buo sa kawan ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon.

Ayon kay Bishop Gaa, “Papaano kung tayo rin ay maupos, tayo ay maubusan how do we minister to people entrusted to us, paano natin pangangalagaan yung mga taong inihabilin sa atin kung tayo din pakiramdam natin ay pigang-piga na rin tayo.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 76,325 total reads

 76,325 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,603 total reads

 154,603 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,050 total reads

 188,050 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 223,347 total reads

 223,347 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,817 total reads

 446,817 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top